Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

17-anyos dinugo rapist arestado

ARESTADO ang 33-anyos lalaki na itinuturong lumasing bago gumahasa sa 17-anyos estudyante sa Gagalangin, Tondo, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang suspek na si Ryan del Rosario, ng  637 Sunog  Apog  St., Gagalangin, Tondo, na hawak na ng Women’s and Children’s Desk ng Manila Police District habang itinago sa pangalan ang biktimang si Maria, 17, residente ng Tondo.

Ani Supt. Virgilio V. Villoria, pinuno ng MPD Raxabago PS1, naganap ang  panghahalay ng suspek sa  biktima noong Mayo 28 sa bahay  ng suspek, dakong 2:00 p.m.

Nabuking ang panghahalay ng suspek dahil sa walang tigil na pagdurugo ng kaselanan ng biktima kaya’t dinala ng kanyang mga magulang sa ospital upang ipasuri.

Habang nasa ospital, nagtapat ang biktima na siya ay nilasing ng suspek at saka hinalay.

Agad nagsuplong  sa  pulisya ang ina ng biktima kaya kumilos ang grupo ni Insp. Romeo Estabillo na nagresulta sa pagkaka-dakip sa suspek.

Ipaghaharap ng paglabag sa Republic Act 8353 (rape) in relation to Republic Act 7610 (anti-child abuse law)  sa Manila  City Prosecutor’s  Office si Del Rosario.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …