Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ulap sa panaginip may naglalaba

Mgndang umaga senor,

Aq po c sally ng pasay, nanagnip aq ng ulap, then may nakita rw aqng mga naglalaba.. nagtaka aq ang anong pnhihiwatg ng panaginip q po.. slamat senor.. wag u n lng llgay cp # q po..

To Sally,

Base sa simbolo ng ulap, ang panaginip mo ay nagsasaad ng hinggil sa inner peace, spiritual harmony and compassion. Maaaring nagpapakita rin ito na may isyu sa buhay mo na nagiging maayos na o mayroon ng nababanaag na kaliwanagan. Subalit, kung ang ulap ay maitim, ito ay sagisag ng depression o anger. Ito ay posibleng nagpapahayag ng napipintong pagsabog ng emosyon. Alternatively, ito ay nagre-represent din ng kakulangan sa wisdom o kaya ay pagkalito sa ilang sitwasyon na nasusuungan mo. Kaya masasabing ito ay posibleng metaphor din para sa iyong “clouded” way of thinking.

Ang nakitang mga naglalaba ay maaaring may kaugnayan sa transformation o cleansing. Ikaw ay handa nang alisin sa iyong sistema at isipan ang mga sakit at kabiguang naranasan noon. Panahon na para sa mga pagbabagong makatutulong sa iyo. Sa kabilang banda, maaaring paalala rin ito sa iyo upang ayusin ang paningin sa iyo ng ibang tao. Posible rin naman na masyado kang concern sa iyong appearance, kaya ganito ang naging tema ng panaginip mo.

Señor H.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …