ni Ronnie Carrasco III
HABANG isinusulat namin ito’y nakatakda raw magdeliber muli ng kanyang privilege speech sa Mataas na Kapulungan si Senator Bong Revilla.
Matatandaang originally, siya muna ang magbibigay ng talumpati sa Senado but he gave way to his fellow solon and bosom friend Jinggoy Estrada.
When his turn finally came, ginamit ni Bong ang pagkakataong ‘yon para kastiguhin ang P-Noy administration, most specially DILG Secretary Mar Roxas. To inject a rather sarcastic twist in his speech delivery ay may “prop” pang toy truck ang mambabatas.
With an impending speech yet to be delivered again, marami tuloy ang nagtatanong kung ano naman kaya ang mahahalagang nilalaman nito? Pinakamalaking pasabog ba ang ibubunyag ng senador like an atomic bomb waiting to explode on the very faces ng mga kaalyado ni Pangulong Noynoy Aquino?
Samantala, dinig namin ay bilang na ang mga Sabado kung kailan umeere ang kanyang “amazing” show sa GMA. Previously, we wrote na handang mag-taping si Bong sa pagdadalhan nila kapag mapatutunayang guilty sa kasong plunder following their involvement in the pork barrel scam, ang Camp Crame.
“Cram-azing” stories?