Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ruffa, iba raw siyang mommy kina Venice at Lorin

ni Rommel Placente

AYON kay Ruffa Gutierrez, hindi raw siya tulad ng kanyang inang si Anabelle Rama bilang mommy ng kanyang dalawang anak na sina Venice at Lorin. Ang mommy daw kasi niya hindi nakikinig sa explanation o pangangatwiran niya.

“Kung ano ang gusto niya, ‘yun ang gagawin niya. Parang martial law, ‘di ba?” natatawang sabi ni Ruffa sa isang interview sa kanya.

“Ako naman gusto ko ‘yung mga anak ko maging mabait sa akin. Gusto ko maging relax sila na mag-open-up sa akin, tungkol sa mga problema nila especially mga babae sila. I think I’m doing a good job, so far,” aniya pa.

“Like noong Mother’s Day si Lorin, ‘yung eldest ko sumulat sa akin, sabi niya, ‘Mommy ito ‘yung mga qualification na gusto ko para sa next boyfriend mo,’ ‘yung ganoon. Sabi ko, okey, very matured na sila.”

Ano ba ‘yung mga qualification na gusto ni Lorin sa susunod na makakarelasyon niya?

“Ay, ayaw niya nang nag-i-smoke. Kasi baka raw mahawa ako, magka-cancer ‘yung asawa ko, mamatay daw ako bigla. At dapat daw ay mamahalin sila and a good leader. Kasi nakita naman nila na I’m a dad and a mom to both of them for so many years. So, if ever na kukuha nga naman ako ng isang tatay o step dad para sa kanila, kailangan siya naman ang mag-lead sa amin.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …