Saturday , November 23 2024

R2 cops tong-pats sa Jueteng (13 ilegalista inagaw ng mga bata ni RD Laurel sa NBI)

060214_FRONT

CAGAYAN – Imbes suportahan ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na sugal, mismong mga lokal na miyembro ng pulisya sa lalawigang ito ang humarang sa mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) at sapilitang kinuha ang mga naarestong suspek sa jueteng operations sa lugar.

Bandang tanghali nitong Mayo 29 (2014), sinalakay ng 9-member team ng NBI ang isang compound sa bayan ng Lasam at inaresto ang 13 katao na naaktohang bumubola ng jueteng.

Isang konsehal ng bayan , na kinilalang si Isaac Agatep III, ang itinurong nasa likod ng ilegal na sugal.

“Pero nang papunta na kami sa piskalya para ihain ang asunto laban sa mga taong naaktohang nag-operate ng jueteng, hinarang kami sa Barangay Bangag sa bayan ng Lallo, ng mga pulis mula sa Regional Public Safety Battalion ng PNP Region 2 command at kami pa ang inaresto,” pahayag ng isang abogadong operatiba ng NBI.

Matapos sapilitang mabawi ang jueteng suspects, nag-imbento pa umano ng kasong abduction ang mga pulis para ma-detain ang siyam na NBI agents hanggang hatinggabi sa kampo ng pulsiya.

“Kahit naipresinta na namin ang lahat ng dokumentong nagpatunay na lehitimo ang aming lakad tulad ng Mission Order galing sa NBI director at ang sulat namin sa lokal na pulisya para sa koordinasyon sa aming misyon ay mahigit 12 oras pa rin kaming pinigil sa kampo ng mga pulis na sina PO1 Jay Marc Ariola, PO1 Karl Paragas, PO1 Roy Vercida at PO1 Vincent Gutierrez,” dagdag na pahayag ng NBI agent, na nagsabing pinakawalan lamang sila nang idismis ng piskalya ang umano’y gawa-gawang kaso.

GEN. LAUREL BIGO VS JUETENG SA R2, 2 GOV HUMINGI NG TULONG SA NBI

Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) ang ilegal na sugal sa lalawigang ito bilang tugon sa hiling ni Cagayan Gov. Alvaro Antonio sa umano’y kabiguan ng lokal na pulisya na sugpuin ang lumalalang operasyon ng jueteng, hindi lang dito kundi sa buong rehiyon.

Sa kanyang sulat sa director ng NBI sa Maynila, sinabi ni Gov. Antonio na tanging ang mga operatiba na lamang ng Department of Justice ang puwedeng pagkatiwalaan ng kanyang mga ka-lalawigan laban sa nagiging talamak na operasyon ng ilegal na sugal.

Matatandaang sumulat din sa NBI kamakailan si Nueva Vizcaya Gov. Padilla dahil imbes sugpuin ang ilegal na sugal sa kanyang lalawigan ay lantaran pa umanong pinoprotektahan ng lokal na pulisya.

Partikular na tinukoy sa mga reklamong ipinaabot sa mga awtoridad at taga-media ng ilang opisyales sa mga lalawigan ng Cagayan, Apari, Tuguegarao, Isabela at Nueva Vizcaya ang pagiging inutil umano ng pamumuno ni PNP Regional Director Gen. Miguel Laurel laban sa talamak na operasyon ng ilegal na sugal sa rehiyon, partikular ang jueteng.

Isang alkalde sa maunlad na bayan dito ang nagbunyag din na isang kernel na kinilalang si Raymus Medina ang umano’y ‘bagman’ ni Gen. Laurel sa koleksiyon ng intelihensiya mula sa mga ilegalista.

Si Col. Medina, na naka-assign sa RPSB-PRO2, ang umano’y nag-coordinate sa sapilitang pagbawi ng mga jueteng suspects mula sa mga taga-NBI nitong Mayo 29 (Huwebes).

HATAW News team

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *