Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paano kumilatis ng Playboy?

00 try me francine

Dear Francine,

Nakatatlong boyfriend na ako since I was 19, ngayong 27 na ako dapat mas alam ko na kumilatis ng lalaki kaso lahat ng naaattract ako puro playboy pala walang gusto ng commitment. Paano ba malalaman kung playboy ang isang guy at para maiwasan na, ang daming paasa.

RONA

 

Dear Rona,

Sa totoo lang nagugulat na rin ako sa mga bagong henerasyon ngayon, bonus nalang yung hitsura at ugali, ang hinahanap nila ngayon ay kung sino ang malandi, mas malandi mas maraming maaakit. Nakakatakot.

Marami na akong naging kaibigan na playboy, yung iba kaibigan ko pa rin hanggang ngayon, may mga naging ex-boyfriend ako na dating mga playboy.

Heto ang ilang mga katangian meron ang isang playboy na lalaki:

1. Una, kung makatingin sa’yo parang kulang nalang ay kanin at uulamin ka na.

2. Mahilig umamoy ng buhok, ilang lalaki na ang napansin kong mahilig gumawa nito at sila ay kadalasang mga playboy. Pero ginagawa nila ‘to sa babaeng attracted sila at sa hair follicles kasi natin lumalabas ang tinatawag na Pheromones o kemikal na narirelease at nagkakaroon ng sexual arousal ang nakakasagap nito.

3. Ang intimacy ninyo ay nangyayari lang kapag kayong dalawa lang magkasama pero kapag namasyal kayong dalawa, halos parang ayaw ka niyang tabihan, at halos hindi ka ipakilala sa mga kaibigan niya kapag nakasalubong ninyo sila.

4. Ang lalaking playboy ay palaging busy, may gagawin kapag ikaw ang nagyayaya dahil busy siya sa iba pa niyang nilalandi, at parang ‘by appointment only’ ang pakikipagkita sa’yo.

5. Sa unang date palang ay masyado nang mapisikal, mahilig humawak sa’yo at punung-puno ng mabubulaklak na pananalita, dahil ang lalaking seryoso ay magiging matiyagang kilalanin ka.

6. Sa tuwing maguusap kayo ay parang iba ang mga sinasabi niya sa mga bagay na naitanong at naisagot mo na noon.

7. Kung mas maraming attractive na babae sa facebook friends niya at nagkocomment pa ng mga sweet messages. Alam na!

Iyan ay ilan lamang sa napakaraming katangiang makikita mo sa lalaking playboy. Ang importante ay maenjoy mo muna ang pagiging single, darating din ang lalaking magiging loyal at honest sa’yo nang hindi mo napapansin. Good luck!

Love,

Francine

***

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon, nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa din kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …