Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nora at Coco, nagka-ayos na!

ni Vir Gonzales

NAGHIHIRAP man ang kalooban ng Superstar Nora Aunor dahil hindi nakarating sa surprised birthday party ng Noranians, masaya na rin daw siya.

Nagbigay kasi ng party ang Noranians sa mga senior citizen somewhere in Pasay City, hindi nakasipot si Guy. Lima kasi ang movie niyang inaasikaso, at nataong may shooting noon.

Magsu-shooting na rin si Guy ng pelikulang Whistle Blower. Bagay kay Guy dahil masang-masa ang hitsura niya. Bagay sa mga eksenang habang naghihirap sa buhay, pinagpipiyestahan ng mga kasangkot sa PDAP ang perang para sana sa mga kababayan.

Nagkaayos na sila ni Coco Martin. Naliwanagan na ang tahi-tahing balita tungkol sa nabalitang si Coco ang nagbabayad ng condo ng aktres at iba pang kailangan.

Si Guy nga ang nagbibigay sa kanyang sinusuweldo sa ilang mga kasamahan sa showbiz, palilitawing nanghihiram kay Coco. Nagalit ang actor dahil hindi sang-ayon sa ganitong uri ng publisidad na mapag-usapan lang galing sa hirap si Coco ayaw niyang magpanggap na mayaman. Ayaw ding maging ipokrito sa buhay. Si Nora pa, na idol ng kanyang lola. No way talaga.

DEREK, NALUNGKOT SA PAGKAMATAY NI BEYONCE

HALATANG malungkot si Derek Ramsey noong mag-shooting. Nalamang namatay pala ang kanyang paboritong English bulldog na si Beyonce.

Matagal na niyang alaga ito at dinamdam ng actor ang pagkamatay ng alaga. Nagkasakit kasi si Derek, medyo matagal-tagal din. Feeling niya, nahawa ang kanyang alaga.

Si Beyonce raw ang sumasalubong at naghahatid sa kanya tuwing umaalis at dumarating galing ng shooting.

PAULEEN, TUMATABA

MUKHANG tumataba si Pauleen Luna. Mukhang wala ring ingay tungkol sa wedding bells ngayong June. Mabuti at may teleserye siyang pinagkakaabalahan at nalilibang.

Parang mahirap isipin kung matutuloy pa ba ang kasalan na laging topic tuwing may movie na ipalalabas si Bossing Vic Sotto.

Well, bata pa naman si Pauleen, marami pang pag-ibig na darating.

MAEGAN, NAUNAHAN NA NI CLAUDINE SA PAGSAGOT-SAGOT SA MATATANDA

ALAM kaya ni Maegan Aguilar na walang humahanga sa kanyang pakikipaglaban sa amang si Freddie Aguilar?

Hindi maganda ang pagsagot-sagot niya sa ama, naunahan na s’ya ni Claudine Barretto sa awayan isyu, kaya dapat manahimik na lang at huwag ng ipagparangal pa ang away nilang mag-ama. Sa bahay na lang nila ito pag-usapan. Wala pang makadidinig ng baho ng pamilya nila. Hindi uso sa anak ng Pinoy ang lumalaban sa magulang.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …