Tuesday , December 24 2024

Nanalo na si Donaire

DESMAYADO ang mga karerista sa pagsasahimpapawid ng mga karera sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Nakansela kasi ang karera pagkatapos ng Race 7.

Ang dahilan daw ay  ”technical”.

Anak ng tipaklong.   Hindi mo maikakatwiran ang ganoon sa mga karerista lalo na dun sa mga adik talaga sa pananaya.

Ang tagal na nga namang nakabalik ang karera sa Santa Ana at hindi nila naayos ang posibleng mga problema sa kanilang operasyon.

Mukhang tutulog-tulog ang pamunuan ng Santa Ana?

Sa simula pa lang kasi ng telecast nila ng mga karera ay problema na ang audio sa mga gumagamit ng cable.  At nagtataka ang mga kareristang nanonood kung bakit patuloy sa pagsasalita ang mga announcer gayong bugal-bugal ang dating ng kanilang boses sa tv.

Nagtatanong tuloy ang karamihan ng kareristang naroon sa mga OTBs kung alam ng mga anchor ang  problema sa audio.  Nagmumukha kasi silang tanga na dada nang dada gayong hindi naman sila naririnig.

Tinatawagan natin ng pansin ang pamunuan ng Santa Ana.  Bigyan naman ninyo ng magandang coverage ang Sambayanang Karerista.

oOo

Marami ang nalito sa tunay na petsa ng laban ni Nonito Donaire.

Marami ang nag-aabang kahapon na nag-aakala na live ang magiging bakbakan nina Donaire at Vetyeka.

Pero sa pagtataka ng karamihan—tapos na ang nasabing laban at nanalo si Donaire.

He-he-he.  Nasanay kasi ang mga Pinoy boxing fans na Linggo ang laban ng ating mga boksingero.   Parang naka-program sa kanilang isip na ang Sabado sa Las Vegas ay Linggo dito.

Pero hindi naman nga sa Las Vegas ginanap ang laban, kundi sa CotaiArena sa Macau.

Hindi naman po nagkakalayo ang oras doon at sa Pinas.

Anyway, nanalo naman ang ating pambato.

ni Alex L. Cruz

About hataw tabloid

Check Also

Bambol Tolentino

Magsisimula na ang trabaho sa POC sa 2025 – Tolentino

Ang bagong re-elected na presidente na si Abraham “Bambol” Tolentino ay magtatawag ng pagpupulong ng …

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

Ajido, nagtala ng bagong record sa SEA Age swimming tilt

MULING isinalba ni Jamesray Mishael Ajido ang kampanya ng Team Philippines sa nasukbit na gintong …

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

Philippines A nangibabaw sa pagbabalik ng BIMP-EAGA Games

FINAL Standing             Gold             Silver         Bronze      Total Philippines-A                   30                   37            32              99 Malaysia –  B                   17                   …

Manny Pacquiao Dubai Sports Council

Sa kolaborasyon ng PH at UAE
Pambansang Kamao Manny Pacquiao, Dubai Sports Council nagpulong para sa oportunidad ng sports development 

NAKIPAGPULONG si Pambansang Kamao at dating Senador Manny Pacquiao sa mga opisyal ng Dubai Sports …

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

Delegasyon ng PAI kakampay sa 46th Southeast Asian Age Group Championship

TUMULAK patungong Thaiand ang binuong delegasyon ng Philippine Aquatics, Inc. (PAI) na sasabak sa apat …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *