Wednesday , November 6 2024

Donaire nasungkit ang ika-5 world titles

NAAGAW ni Nonito Donaire ang koronang tangan ni WBA featherweight champion Simpiwe Vetyeka ng South Africa via unanimous technical decision noong Sabado sa CotaiArena sa Macau.

Naging madugo ang nasabing sagupaan nang maputukan sa left eyebrow si Donaire na hindi nilinaw ng reperi kung galing iyon sa accidental headbutt o lehitimong suntok.

Pagtunog ng bell sa 4th round ay parang tigreng nasugatan ang Filipino Flash Donaire nang atakehin niya sa Vetyeka at pabagsakin niya ito ng pamatay na kanan sa nalalabing 1:43.

Sa nasabing round ay nagawang makaganti ni Vetyeka at nakorner niya si Donaire sa lubid.  Pero isang kanan muli ang pinawalan ng challenger na nagpaekis ng kanyang tuhod.  Sinundan iyon ng kaliwa para muling lumuhod ang kampeon sa canvas.

Sa pagtunog ng 5th round ay obyus na naulo ni Vetyeka si Donaire na nagpaagos ng husto sa cut ng Pinoy pug sa kanyang kilay.

Ideneklara ng reperi na naulo ang challenger kung kaya idinaan sa scorecards ang laban.   Lumabas na nanalo ang Pinoy pride via a unanimous decision.

Sa pagsungkit ni Donaire ng ikalimang world titles ay napabilang siya ngayon sa elitistang boxers.  Kinolekta niya ang super flyweight (interim WBA), bantamweight (WBC and WBO) at super bantamweight (WBO at IBF).

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *