ni Alex Brosas
DANCING queens Vilma Santos and Maricel Soriano are the first two guests sa dance show ni Marian Rivera.
Mayroon nang lumabas na photo nina Vilma at Marian sa social media at marami ang nagkagusto sa kanilang pagsasama. Ang puna lang ng isa ay bakit parang tinipid daw ang stage. Bakit tila walang masyadong décor ang studio.
Mayroon namang pumuna sa choreographer. Bakit daw si Geleen Eugenio ang kinuha? Eh, bakit ba mas marunong pa kayo sa Siete?
RISE CONCERT, PARA SA CARITAS MANILA’S HAIYAN
SA mga mayayamang mahilig sa makabuluhang concert ay worth watching ang forthcoming fund-raising concert na RISE! Rebuilding from the Ruins concert presented by PLDT-Smart Foundation and One Meralco together with the Cultural Center of the Philippines, June 11, Manila Cathedral-Basilica, Intramuros, Manila. The concert will benefit Caritas Manila’s Haiyan rehabilitation program.
Ang mga obra ni Ryan Cayabyab ang tampok sa concert as performed by the Philippine Philharmonic Orchestra, Basil Valdez, Dulce, Jed Madela, Clarissa Ocampo, Ervin Lumauag, the Ryan Cayabyab singers with the special participation of Manila’s Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle.
Sa presscon, sinabi ni Archbishop Tagle na he visited a church sa Palo, Leyte at talagang nanlumo siya sa kanyang nakita. The Diocese was celebrating their 75th anniversary at tagpi-tagpi ang bubong ng church habang nagmimisa ang pari.
“Naku, talaga namang (nakakapanlumo). They put some spare yero. I’ve been a priest for 32 years now and having celebrate countless of masses, you go in to that church that has just experienced the ravages you just get affected. Humangin, nilipad na naman ang mga yero. Kita mo ‘yung panic ng mga tao, parang allergic na sila sa ulan at hangin. The one thing that I appreciated is that people stayed and finished the mass. This is a living community. Natanggal ang bubong, gumuho ang pader pero nandoon sila,” kuwento ni Archbishop Tagle.
For RISE! Sponsorship and ticket inquiries please call Caritas Manila 562 0020 to 25 or visitwww.caritasmanila.org.ph.