ni Alex Brosas
HINDi na pala ma-appeal itong si Charice sa concertgoers sa abroad dahil pahirapan na raw ang pagbebenta ng concert ticket niya.
‘Yan ang chika sa isang popular gossip website.
Kung noon ay mabenta ang tickets ni Charice at mabilis na mabili ang tickets, ngayon ay matumal daw ang bentahan nito. Marami na ang ayaw na panoorin siya. Siguro ay na-turn off sila sa kanyang pag-amin ng kanyang gender.
Biritera ang packaging ni Charice bago pa siya magladlad at hit na hit siya sa audience. But now na open na siya about her sexuality ay tila isa-isang nawala ang fans niya.
Ang chismis pa, maging si Charice na mismo ay nagbebenta na ng kanyang ticket para tulong na rin sa concert producer niya.
True ba ito, Charice?