Tuesday , April 15 2025

Concert ng One Direction inayawan

NANAWAGAN ang anti-drugs advocate sa gobyerno na pigilan ang popular boy band One Direction sa kanilang concert sa bansa sa susunod na taon.

Ito ay makaraan lumabas ang video nina Louis Tomlinson at Zayn Malik ng British pop group habang naninigarilyo ng tinatawag nilang “joint” ay naging viral sa internet nitong Miyerkoles.

Ang video clip, nakuha ng Daily Mail newspaper, ay sinasabing kuha ng 22-anyos na si Tomlinson sa likod ng sasakyan sa Peru sa ginanap na South America leg ng world tour ng banda.

Maririnig sina Tomlinson at Malik habang nagbibiruan tungkol sa “illegal substances” na kanilang hinihithit sa likod ng sasakyan.

Ang iba pang miyembro ng banda na sina Harry Styles, Liam Payne, at Niall Horan – sinasabing nasa ibang sasakyan, ay wala sa nasabing video.

Ayon kay Jonathan Morales, founder ng anti-drugs group Laban ng Pamilyang Pilipino, hindi magandang huwaran ang grupo sa mga kabataang Filipino na umiidolo sa kanila.

Nangangamba si Morales na ang nasabing kontrobersiya ay posibleng magpatindi pa sa problema sa illegal na droga ng bansa.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Franz Pumaren

Pumaren sinampahan ng Graft complaint sa P50-M proyektong hindi natapos

KASALUKUYANG iniimbestigan ng Commission on Audit (COA) at ng Office of the Ombudsman ang reklamo …

House Fire

3 sugatan sa sunog sa QC

TATLO katao ang iniulat na nasaktan sa sunog na sumiklab sa residential area sa Makabayan …

Road Maintenance

DPWH nag-abiso magkukumpuni ng mga kalsada ngayong Semana Santa

NAKATAKDANG magsagawa ng 24-oras trabaho sa loob ng limang araw ang mga tauhan ng Department …

Dead Road Accident

2 patay, 7 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan

PATAY ang dalawa katao habang pito ang sugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Commonwealth …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *