Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arnel, iiwan na ang pag-arte, magpo-produce na lang

 

ni John Fontanilla

“PARANG sa ayaw at gusto ko parang iniiwan na rin ako ng pag-arte sa Showbiz ha ha ha.” Ito ang pahayag ni Arnel Ignacio kung iiwan na ba niya ang pag-arte at magko-concentrate na lang sa pagpo-produce ng musical play na siya ang producer ng Rock of Aeigis.

“Siguro ‘pag may offer bakit hindi ‘di ba kaso matumal ang dating ng acting projects sa akin kaya feeling ko ako ang nilalayuan ng acting projects ha ha ha.

“Pero masuwerte pa rin kasi may mga dumarating pang shows sa akin, like ‘yung sa TV5 kinuha nila ako as a beki father ni Isabella ‘yung dating Duday sa ‘Da De Di Do Du’ na isa ng magandang dalaga.

“At saka ‘yung role na ibinigay nila sa akin masarap gawin, kaya excited akong gawin ito.

“Kasi minsan ‘yung mga role na inaalok nila sa akin parang wala lang, kaya naman kaysa tanggapin ko ‘wag na lang mamahinga na lang ako sa bahay ha ha ha.”

Hindi rin daw totoong choosy siya pagdating sa pagtanggap ng trabaho.

“Hindi naman sa mapili ako ng role o proyekto, kaya lang kasi kailangan naman sa tagal ko naman sa industriya alam ko na ‘yung mga proyektong tatanggapin at gagawin ko.

“Hindi naman siguro maganda na parang kasama ka pero hindi ka naman maramdaman ng tao dahil kung ano-anong role lang ang ibinibigay sa ‘yo.

“Dapat naman ‘yung tipong may makukuha ‘yung manonood sa proyektong ginagawa mo at may aral na makukuha.

“Tapos honorarium lang ha ha ha, ‘wag na lang ha ha ha pass na,” pagtatapos ni Arnel.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Mikee Morada Alex Gonzaga

Gov Vilma na-miss ng mga taga-Lipa; Alex at Mikee sinusubukan pa ring makabuo ng baby

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez SAYANG at hindi nakadalo ng misa sa San Sebastian Cathedral sa …

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …