PITONG empleyado ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Cordillera ang kinasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa P2.5 milyong halaga ng ghost projects sa rehiyon.
Kabilang sa mga kinasuhan sina DPWH CAR Director Edilberto Carabbacan, Former Officer in Charge Antonio Purugganan, Legal Officer Alberto Tremor at Division Chief Juliet Anosan.
Si Purugganan ay napatalsik na sa pwesto sa utos ng Office of the President.
Sa resolusyon ng Ombudsman, sinasabing nagsabwatan ang mga mga akusado para palabasing legal ang mga proyeko. (BETH JULIAN)