Friday , November 22 2024

Tserman timbog sa bala’t baril

LEGAZPI CITY – Hindi nakapalag pa sa mga awtoridad ang isang barangay kapitan nang salakayin ang kanyang bahay sa Brgy. Arado, Uson, Masbate at nakompiska ang ilang mga baril at bala.

Sa tulong ng pinag-isang pwersa ng Uson Municipal Police Station, Masbate Provincial Public Safety Company (MPPSC) at Philippine Army, matagumpay na naisagawa ang search and seizure operation sa bahay ni Brgy. Captain Vicente Hugo Sr. y Cautiber.

Nakuha sa kanyang posisyon ang isang cal. 45 Colt pistol with magazine kasama ang pitong live ammunitions, isang spare magazine laman ang anim na live ammunitions at isang cal. 38 revolver, sa bisa ng warrant of arrest laban sa opisyal.

Samantala, ilang minuto bago ang operasyon ng mga awtoridad, isa pang lalaking kinilalang si Marlon Bon na patungo sa bahay ng kapitan ang inaresto nang makitaan ng cal. 45 Remington pistol na may pitong live ammunitions.

Dinala na sa Masbate Police Provincial Office ang naturang mga ebidensiya para sa tamang disposisyon.

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *