Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tambalang TiNola, nakaaaliw!

ni Roldan Castro

ALIW kami tuwing hapon kapag napapanood ang tambalang Tilda (Beauty Gonzalez) at Nolan (Franco Daza) sa hit seryeng Moon of Desire.

Talaga namang benta ang mala-aso’t pusang relasyon nina Tilda at Nolan lalo na sa netizens na siyang bumansag sa kanilang loveteam bilang tambalang TiNola (pinagsamang pangalan nina Tilda at Nolan).

Huling-huli ng dalawa ang kiliti ng masa sa kanilang mga pilyo at pilyang banatan tungkol sa “kimchi” ni Tilda at pagiging hindi pa tuli ni Nolan. Nakadagdag din diyan ang pagiging palaban ng dalawa sa pagpapaseksi. Patok talaga ang dalawa at pambalanse sa love triangle nina Meg Imperial, JC De Vera, at Ellen Adarna.

Samantala, ipinakilala na rin sa Moon of Desire, ang bagong loveteam nina Devon Seron at Kevin Fowler na tiyak aabangan lalo na ng mga teenager. Ginagampanan ni Devon ang papel na Riri, ang boyish na kapatid ni Jeff (JC De Vera), habang si Kevin naman ay si Runin, ang nerdy at tahimik na pamangkin ni Tilda. Sa pagkukrus ng landas nila sa eskuwelahan, paano nga ba mabubuo ang magandang pagtitinginan sa kanilang dalawa?

Bago magsimula sa showbiz, unang nakilala si Beauty bilang 4th Big Placer ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus. Simula noon ay sunod- sunod na ang kanyang support roles sa telebisyon, sa mga seryeng tulad ng Angelito Batang Ama at Maria Mercedes, pati na rin sa pelikula. Si Franco naman ay unang ini-launch sa Gimik 2010 at lumabas sa mga serye tulad ng Nasaan Ka Elisa?

Sina Devon at Kevin ay parehong produkto ng Pinoy Big Brother. Pagkatapos ng papel bilang Rosario sa Maria Mercedes, muling nagbabalik si Devon na may mas palabang image. Si Kevin naman ay sasabak sa kanyang unang regular role sa isang soap at ngayong mas hunky pa kompara noong huli siyang makita sa Bahay ni Kuya.

Pakatutukan sina Beauty at Franco, at Devon at Kevin tuwing hapon sa  Moon of Desire, pagkatapos ng It’s Showtime sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …