Monday , December 23 2024

P1.75-B PH maritime security, priority — US

PRAYORIDADo ng Amerika ang $40 million o P1.75 bilyon tulong para sa pagpapalakas ng defense capability ng Filipinas.

Ito ang binigyang-diin ni US Assistant Secretary for East Asian and Pacific Affairs Daniel Russel sa US Congress para sa hiling ni US President Barack Obama na budget para sa Asia Pacific sa taon 2015.

Ayon kay Russel, ang nasabing tulong ay magpapalawak sa suporta ng Estados Unidos sa Filipinas lalo na sa maritime security, sa gitna ng territorial dispute sa China.

“This assistance will expand our support for the Philippines’ efforts to improve its maritime security and maritime domain awareness, which is a US priority,” ani Russel.

Kapag naaprubahan, tumaas ng 57 percent ang tulong ng Amerika sa Filipinas mula sa $25.5 million noong 2013.

Binigyang diin din ni Russel sa US Congress ang commitment ni US President Obama na tulungan ang Filipinas sa pagbangon mula sa hagupit ng bagyong Yolanda.

Dagdag pa ng diplomat, nasa $156 million ang hinihiling ni Obama na aprubahan ng Kongreso para sa tulong sa maritime capacity ng mga kaalyado ng Amerika sa Southeast Asia.

Paliwanag pa ni Russel, kailangan din ang dagdag na pondo para sa paglaban sa transnational organized crime at banta ng terorismo sa katimugan ng Sulu Sea, sa pagitan ng Filipinas, Indonesia at Malaysia.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *