Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga premyadong parlorista, pinarangalan sa Gandang Ricky Reyes

TUTOK lang ngayong Sabado, 9:00-1:00 a.m. sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) para masaksihan ang mga kaganapan sa 2014 Hair and Make Up Trends na taunang kompetisyon sponsored ng Fil-Hair Coop na ginanap sa Metrowalk Tent.

Ang nakatulong ni Mother Ricky Reyes sa paggupit ng ceremonial ribbon ay sina TV host-journalist Ms. Korina Sanchez-Roxas at dating Ilocos Sur Gob. Chavit Singson.

Sa loob ng buong taoy nagdaraos ang Fil-Hair ng regional na paligsahan. Ang mga nagwaging hairdresser at cosmetologist ay dumalo sa Metrowalk Tent upang muling makipagpaligsahan at magwagi ng plake, tropeo, korona, setro, at premyong cash bilang pinakamahusay sa hair cut and color, evening make up, at bridal make up.

Ang mga hurado’y representative ng mga miyembro ng Asia Pacific Hairdressers and Cosmetologists Association tulad ng Japan, Hong Kong, Macau, Sri Lanka, Malaysia, Taiwan, at China.

Ginawaran din ng Fil-Hair ng Dekada Awards ang Ambassador of Fashion na si Renee Salud; International Fashion Awardee Frederick Peralta; at ang Prince of Beats na si Amir Sali bilang pagkilala sa naiambag nila sa mundo ng fashion.

Ang GRR TNT ay prodyus ng ScriptoVision.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …