Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Karla, mangiyak-ngiyak sa bahay na ipinatayo ni Daniel para sa kanya

ni Dominic Rea

053114 DJ house
053114 DJ house 2
MAAGANG dumating sina Mr. Johnny Manahan at Ms. Mariol sa katatapos na house blessing para sa bagong bahay ni Daniel Padilla last Wednesday. Halatang excited din na makita ni Mr. Manahan ang mga pinaghirapan ng kanyang anak-anakang si Daniel na ang binata at inang si Karla mismo ang nag-tour sa kanila sa buong bahay.

Galing mismo kay Daniel ang katagang “buo na sa wakas Tito Dom,” nang tanungin ko ito kung anong pakiramdam niya ngayong may sarili na silang bahay at hindi na nangungupahan.

Ayon naman sa kapatid pa ni Daniel na si JC Padilla, “hindi na nagkakakitaan, kapagod ang akyat panaog sa hagdan,” naman ang naging litanya nito sa akin na masayang-masaya rin sa naging achievements ng kanyang Kuya Daniel.

Kahit si Karla ay nangingilid ang luha during the said blessing. Ramdam ko lang din ang sayang nararamdaman ni Karla dahil ito naman talaga ang pinangarap niya mula pa noon na hindi niya naibigay sa kanyang mga anak kundi si Daniel na ang nagbigay nito sa kanya.

Nasa house blessings din ang ilang kaibigan ng pamilya tulad ng Star Magic, Star Records, Star Cinema, at ASAP Family kasama ang ilang malalapit ding kaibigang artista nina Karla at Daniel.

Sunshine, nakabili na ng bahay dahil sa sunod-sunod na project sa Dos

IBINALITA sa akin mismo ng kumareng Sunshine Cruz na walang nanliligaw sa kanya ngayon. Meaning, loveless siya at nanindigang masaya na siya sa pagiging single mom at walang jowa.

Nabatid ko rin na hindi na pala matutuloy si Sunshine sa paggawa ng project sa bakuran ng GMA 7 dahil nag-umpisa na siyang mag-taping ng Pure Love sa Dos.

Speaking of Dos, dahil pala sa sunod-sunod na proyekto ni Sunshine rito ay nakapag-ipon at nakabili na rin siya ng sariling bahay huh. Importante ang loyalty at inamin nitong napakalaking bagay sa kanya ang ABS-CBN!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …