Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Andrea at Raikko, sangkot sa malaking gulo

ni Pete Ampoloquio, Jr.

Mapapahamak ang mga karakter ng Kapa-milya child stars na sina Andrea Brillantes at Raikko Mateo ngayong Linggo (Hunyo 1) sa pagpa-patuloy ng kanilang Wansapanataym special na My Guardian Angel. Matapos matuklasang isa si-yang ampon, magdedesisyon si Ylia (Andrea) na lumayas sa kanilang bahay kaya naman mapipi-litan si Kiko (Raikko) na labagin ang patakaran ng mga guardian angel at aminin kay Mommy Carol (Mylene Dizon) ang tunay niyang pagkatao. Matututunan ba ni Ylia na intindihin at patawarin ang kanyang mga magulang kapag nalagay siya sa peligro dahil sa kanyang paglalayas? Paano maililigtas ni Kiko si Ylia ngayong binawi na sa kanya ang super powers niya? Tampok din sa My Guardian Angel sina Ejay Falcon, Ketchup Eusebio, Ruby Rubi, Gerard Pizarras, Abby Bautista, Racquel Pareño, Lui Villaruz, Dale Badillo, Jovic Susim, at Vangie Martell. Ito ay sa ilalim ng panunulat ni Joel Mercado at direksyon ni Jon “Sponky” Villarin. Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng “Wansapanataym” special nina Andrea at Raikko ngayong Linggo, 6:45pm, bago mag “The Voice Kids” sa ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …