Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suicide sa Laoag udyok ng bad spirits?

LAOAG CITY – Nababalot ng takot ang mga residente sa isang barangay sa Lungsod ng Laoag dahil sa sunod-sunod na pagpapakamatay ng mga residente roon.

Ayon kay Brgy. Chairman Nestor Villa ng Brgy. 48-B Cabungaan sa Laoag City, naaalarma sila dahil pang-apat na ang lalaking nagbigti kamakalawa na si Michael Tangonan.

Aniya, base sa naipaparating sa kanyang mga balita, may masasamang espiritu na kumukumbinsi sa mga biktima na magpakamatay.

Habang ayon kay Brgy. Kagawad Marie Rose Factores de la Cruz, ito ang dahilan kung kaya’t nag-pray over sila sa lugar na pinaniniwalaan ng mga residente na pinamumugaran ng masasamang espiritu.

Habang nagdarasal aniya sila ay may naramdaman siyang kakaiba at parang tumatayo ang kanyang balahibo.

Sa kabilang dako, sinabi niyang nasaksihan niya mismo nang sinaniban ng isa sa mga nagpakamatay na biktima ang kanyang kapatid.

Habang nasasaniban aniya ang biktima ay boses ng namatay na ang lumalabas, at may mga pagkakataon na nagbabago ang boses na tila demonyo ang nagsasalita.

Sa ngayon, natatakot ang mga residente na baka isa sa kanilang pamilya ang susunod na maging biktima.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …