Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dingdong at Antoinette, posibleng magtambal

ni Roldan Castro

TINANONG kay Dingdong Dantes ang pagbabalik ng ex-girlfriend niyang si Antoinette Taus sa showbiz at nagsasabing gusto siyang makapareha. Ano ang reaksiyon niya tungkol dito?

“Well, para sa akin naman, siyempre, hindi naman maitatanggi na kami ang unang magkapareha so, ang masasabi ko lang diyan, welcome back. Maganda na nagmula rin sa Viva ay nagbabalik, siyempre nagbibigay pugay kung saan talaga nagsimula,” aniya.

Paano kung may offer na pagtambalin sila?

“Siguro pag-usapan natin ‘pag nandiyan na. I’m sure naman hindi malayong mangyari ‘yun dahil maliit lang talaga ang mundo ng showbiz. Pero siyempe, hangga’t wala naman, ayaw ko rin siyang pag-usapan dahil mahirap din naman ang mag-speculate at magkaroon ng ganoong klaseng scenario na hindi pa naman nagagawa,” bulalas pa niya.

Ano ang reaksiyon niya na bina-bash si Antoinette ng fans dahil mula nang dumating hindi siya nawawala sa interview niya, pati na rin si Marian Rivera?

“In the first place, hindi naman maiiwasan ‘yun because kaya nga nagbalik…siyempre mayroon siyang inalisan which is Viva and GMA, siyempre ‘pag nagbaik siya, nararapat din na ma-welcome siya ng maayos. Siguro kaya nagkakaroon ng ganoon dahil ‘yun. Pero to begin with this nothing naman to ano to talk about. Kumbaga, we have our own things to do so I think we have to concentrate on that,” sambit pa niya.

Tsuk!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Roldan Castro

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …