Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dealer ng de-bote sa Muslim area ipinatumba ng kakompetensiya?

Pinaniniwalaang isang maimpluwensiyang tao sa Muslim area ang nasa likod ng pagpatay sa negosyanteng Kristiyano, sa San Miguel, Quiapo, Maynila kamakalawa ng gabi.

Patay na nang dalhin sa Mary Chiles Hospital ang biktimang si Rizalde Caspillo, 42, ng 267 P. Casal St., San Miguel, Quiapo.

Arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina Esko Usman, 20, ice delivery boy, ng Sultan Kudarat; at Jaime Masla, 35, delivery boy, residente ng nasabing lugar.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Jonathan Bautista, ng Manila Police District-Homicide Section, nakaupo ang biktima sa harap ng kanyang mesa at nirerebisa ang mga resibo sa kanyang negosyo nang barilin siya ng mga suspek dakong 8:00 p.m.

“May dying declaration yong victim, itinuro niya ‘yong Jaime na bumaril sa kanya.  Definitely, merong nasa likod  ng pagpatay sa victim, pinaalis na kasi ‘yang victim do’n sa lugar, me hinihintay lang na incentive mula sa Pepsi, kasi softdrinks dealer ang isa sa negosyo nila, mukhang me naiinggit maganda kasi ‘yong location,” ani Bautista.

Sa ulat, matapos barilin ang biktima, tumakbo siya sa kanyang asawa at nakapagsalita pa ng “binaril ako,” at nang buksan ni Loida ang pintuan, nakita niyang tumatakbo palayo si Masla.

Nabatid, bumalik pa ang mga suspek sa bahay ng bitkima at itinanong kung saan ospital dinala si Caspillo, pero iniligaw ni Loida kaya sinabing sa Camp Bagong Diwa dinala ang asawa.

Gayonman, pagbalik ni Loida sa ospital ay inabutan niya ang mga suspek na may kasama pang dalawa.

“Anong ginagawa nila don sa hospital? Hindi na nga sinabi no’ng asawa na sa Mary Chiles niya dinala ‘yong asawa niya, tinanong ng mga suspek kung patay na ang asawa nito. Gustong makasiguro ng mga suspek, kasi akala nila buhay ‘yong biktima,” dagdag pa ni Bautista.

Nalaman din na  Kristiyano ang pamilya ng biktima at doon nakapag- negosyo sa Muslim area.

“Nagbibigay raw ng protection money ‘yong victim, kapag na-late nga lang daw ng bigay hina-harass ‘yan, pinuputulan ng koryente, sa ngayon advance pa nga ang bigay,” ayon kay Bautista.

Samantala, todo tanggi ang mga suspek na sila ang pumatay sa biktima.

Ang mga suspek ay nakapiit sa MPD – Homicide Section na natakdanag sampahan ng kaukulang kaso.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …