Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Claudine, kailangang makahanap ng kakampi

 

ni ED DE LEON

NATAWA kami roon sa nakita naming statement ng kolumnistang si Ramon Tulfo, tungkol sa sinasabing pagpapatawad niya kay Claudine Barretto. Sinabi ni Tulfo na matagal na raw naman niyang pinatawad iyon. Kaya nga hindi na siya nag-attend ng hearing noong kanyang isinampang demanda laban doon. Para sa kanya wala na iyon, at hinayaan na nga lang niyang ma-dimiss. Una, sinasabi niyang wala siyang tiwala sa justice system dito sa atin.

Ikalawa, sinasabi nga niyang naiintindihan na niya si Claudine. Na dapat pa ngang kaawaan iyon lalo na’t ”may problema sa pag-iisip”.

Pero sinabi niyang ok, napatawad na niya iyon pero hindi na siya makikipag-ayos pa.

Sa kabilang banda, sinasabing nakipag-ayos na iyon sa kanyang kapatid na siRaffy. Tumawag daw ang abogado ni Claudine na si Ferdinand Topacio at siyang umayos ng kanilang pagkikita, hanggang makapag-picture taking pa nga sila na inilabas ng kampo ni Claudine sa kanilang social networking account.

Sa kanyang statement, sinabi ni Raffy na ok lang sa kanya iyon at gusto na rin naman niyang matapos kung ano man ang naging problema nila.

Pero sinasabi naman ni Mon, kilala niya ang kanyang kapatid na si Raffy, at hindi pa rin masasabing talagang natutuwa iyon sa mga tawa niya nang ka-picture taking si Claudine.

Right move naman iyon para kay Claudine, dahil sa totoo lang kailangan niya ng mga kakampi sa kanya ngayon. Mukhang medyo tagilid ang kanyang mga laban, lalo na sa mga naglalabasang duda sa kanyang mga bintang sa mga tao. Tumagilid na siya sa mga kaso niya laban sa kanyang mga katulong na lahat ay pinagbintangan niya ng pagnanakaw.

Mukhang lumalabas ding tagilid ang kanyang statement na may nanggugulo sa kanya at nagbabanta sa kanyang buhay at may nagpapaputok pa ng baril malapit sa kanyang bahay.

Hindi rin siya kinampihan ng mga pamangkin niyang sinasabi niyang mahal na mahal niya, at nag-deny pa ang mga iyon sa kanyang sinasabing may panahong siya ang nagbigay ng mga pangangailangan ng mga iyon.

Sa ganyang sitwasyon, kailangan na ngang humanap siya ng lahat ng kakampi sa kanya.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …