ni Ronnie Carrasco III
HINAHANGAAN pa man din namin ang aktor na ito in so many ways. Pero kung bakit ang aming admiration for him is like a building razed to the ground ay dahil sa kawalan pala niya ng tapang to bravely face a sensitive issue involving her showbiz girlfriend.
This actor must be visibly making promo rounds para sa kanyang aabangang proyekto. At ang swak sanang konseptong naisip ng isang TV show ay isalang siya sa segment ng isang host-actress aptly named after her.
Hindi lingid sa kaalaman ng kanilang mga tagasubaybay that there exists a silent feud between the actor’s girlfriend and the host-actress.
But what gives? Hindi naman sangkot ang aktor na ‘yon sa alitan ng dalawang Mrs. Real, este, babaeng ‘yon? When initially contacted and informed about his guesting sa segment ng TV host-actress, all-systems-go na sana ang much-anticipated live appearance ng aktor, only to be told last minute na sa ibang host na lang daw magpapainterbyu ang aktor.
Personal niya kayang desisyon ‘yon, o hindi siya pinayagan ng kanyang nobya? Hindi ba nakita ng magnobyong ito ang sensiridad ng TV host-actress when the latter even sent them an invitation to her recent “artistic event” as a peace offering?