HABANG tumatagal ang PBA Governors Cup ay lalong sasabak ang Barangay Ginebra San Miguel sa mas matinding hamon.
Kahit tatlong sunod na nanalo ang Gin Kings ngayong torneo ay iginiit ni head coach Jeffrey Cariaso na magiging malaking pagsubok ang pagharap nila sa San Mig Super Coffee sa Linggo.
Ito ang unang paghaharap ng Kings at Coffee Mixers mula noong lumipat si Cariaso sa Ginebra pagkatapos na maging assistant coach siya ni Tim Cone sa San Mig.
“We have four days to prepare for San Mig,” wika ni Cariaso pagkatapos na padapain ng Ginebra ang Air21, 84-76, noong isang gabi. “That’s gonna be exciting and I know that a lot of people are anticipating that game. It’s a good time for us to be able to prepare. I can only expect things to be harder because we are up against a champion team. It will be a real fight for us.”
Matatandaan na ang San Mig ay pumigil sa Ginebra sa semifinals ng Philippine Cup noong Pebrero kaya naging matindi ang rivalry ng dalawang magkapatid na koponan.
Sang-ayon ang rookie na sentro ng Ginebra na si Greg Slaughter sa mga pahayag ni Cariaso.
“It’s always a tough battle with them since the All-Filipino,” ani Slaughter na nagtala ng 12 puntos, 15 rebounds at dalawang supalpal kontra kay Asi Taulava at Express. “They’re so experienced but we’re looking forward to playing them.”
ni James Ty III