Sunday , December 28 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

PBA D League Finals magsisimula bukas

GAGAWIN bukas sa Smart Araneta Coliseum ang best-of-three finals ng PBA D League Foundation Cup na paglalabanan ng North Luzon Expressway at Blackwater Sports.

Ang Game 1 ng serye ay magsisimula sa alas-1:30 ng hapon bago ang dalawang laro ng PBA Governors Cup simula alas-5:45 ng hapon.

Winalis ng Road Warriors ang Cebuana Lhuillier samantalang blinangko ng Elite ang Jumbo Plastic sa kanilang hiwalay na serye sa semifinals.

“I coached poorly. But I do credit Cebuana for this. I’ve learned from this game. Hopefully I could learn and prepare myself for Blackwater,” wika ni NLEX coach Boyet Fernandez pagkatapos na makalusot ang Road Warriors kontra Cebuana Lhuillier, 62-61, noong Martes dahil sa tres ni Kevin Alas at dalawang free throw mula kay Ola Adeogun.

Ang Game 2 ay gagawin sa Lunes, Hunyo 2, sa Mall of Asia Arena simula alas-3:30 ng hapon at kung may Game 3, gagawin ito sa Philsports Arena sa Pasig simula alas-1:30 ng hapon.

Ang Blackwater ay defending champion ng Foundation Cup samantalang sisikapin ng NLEX na mabawi ang titulo na inagawan ng Elite noong isang taon.

Pagkatapos ng finals ng D League ay parehong aakyat na ang NLEX at Blackwater sa PBA bilang mga expansion teams, kasama ang Kia Motors.

Inaayos ngayon ng PBA ang pag-ere ng finals ng D League sa Aksyon TV 41.             (James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

PBA TnT vs Magnolia

TNT may twice-to-beat advantage nang manalo sa Magnolia

NAKUHA ng TNT ang twice-to-beat advantage para sa quarterfinals ng PBA Season 50 Philippine Cup …

PH Ailas Pilipinas SEAG

Alas Pilipinas men’s team, nakabawi at nagkamit ng bronze

BANGKOK — Bumangon ang Alas Pilipinas mula sa pagkakaiwan ng dalawang set upang talunin ang …

PH Gilas Pilipinas SEAG

Gilas Five, dinaig ang Thailand, napanatili ang korona sa SEA Games

BANGKOK — Bumangon ang Gilas Pilipinas mula sa 13-puntos na pagkakaiwan at sa mainit na …

PH SEAG Football

Filipinas, Nakamit ang Unang Gintong Medalya sa SEAG Football

CHONBURI – Nadagdagan ng isang makasaysayang gintong medalya sa Southeast Asian Games ang listahan ng …

DLSU De La Salle UAAP

Green Archers, inangkin muli ang korona sa UAAP basketball

INANGKIN muli ng De La Salle University ang kampeonato sa UAAP men’s basketball matapos magwagi …