Friday , November 22 2024

Pacquiao richest solon (P1.3-B deklarasyon sa SALN)

NANANATILING si Sarangani Rep. Manny Pacquiao ang pinakamayamang kongresista sa bansa ngayon.

Base sa inilabas na summary ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) para sa taon 2013 ng Kamara mula sa 289 kongresista, si Pacquiao ang may pinakamalaking yaman na mahigit P1.345 billion, habang mayroon siyang P500 million liabilities.

Pangalawa sa pinakamayamang kongresista si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos na may networth na mahigit P922 million, pangatlo si House Speaker Feliciano Belmonte, may deklaradong networth na mahigit P819 million, pang-apat si Negros Occidental Rep. Albee Benitez, may mahigit P713 million networth, at pang-lima si Negros Occidental Rep. Jules Ledesma na may mahigit P617 million.

Kasama rin sa top 10 sina Las Pinas Rep. Mark Villar, Leyte Rep. Ferdinand Martin Romualdez, Rizal Rep. Joel Roy Duavit, Tarlac Rep. Enrique Cojuangco at Maguindanao Rep. Zajid Mangudadatu.

Samantala, may pinakamababang idineklarang assets si Anakpawis party-list Rep. Fernando Hicap na may networth na P37,722.

Ang fighting congressman ay hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa isyu ng hindi pagbabayad nang tamang buwis.

Samantala, pinakamayaman pa rin si Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa 34 miyembro ng gabinete ni Pangulong Benigno Aquino III, na may P765 milyon habang si Education Secretary Armin Luistro na may P433,000, ang pinakamahirap.

Batay sa inilabas ng Palasyo na 2013 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng cabinet members, nabatid na lumobo sa P765 milyon ang yaman ni Del Rosario mula sa P705 milyon noong 2012.

Pumangalawa si Tourism Secretary Ramon Jimenez na may P282-M mula sa P249-M noong nakalipas na taon.

Pangatlo si Finance secretary Cesar Purisima, may P278, 947,249 mula sa P270.712 milyon noong 2012; Interior and Local Government Secretary Manuel Roxas II, may P211,027,479.88; Trade Secretary Gregory Domingo, may P150,641,395; Chief Presidential Legal Counsel Alfredo Benjamin Caguioa, P120,378,000; Cabinet secretary Jose Rene Almendras, P119,841,097.67, at Energy Secretary Jericho Petilla, P117,095,110.

(JETHRO SINOCRUZ/ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *