Tuesday , December 24 2024

Nueva Ecija gov sabit sa pork

052914_FRONT

NAGBANTANG magsasagawa ng malawakang pagkilos ang mga magsasaka sa Nueva Ecija na tinaguriang rice granary matapos madawit sa pork barrel scam si Gov. Aurelio Umali.

Sa inilabas na bagong sinumpaang salaysay ni Janet Lim-Napoles, kinompirma niya ang alegasyong sangkot sa fertilizer fund scam ang naturang opisyal.

“Sa pamamagitan ni Maite Defensor, nagkaproyekto gamit ang pondo ni Cong. Umali sa DoTC na P12 million at P10 milion sa DA. Si Maite ang kumuha ng komisyon,” ayon kay Napoles.

Sa isang panayam, inamin ni Romeo Abesami, magsasaka sa bayan ng Gabaldon, nakabili siya ng fertilizer sa kanilang munisipyo na nagkakahalaga ng P100 noong 2006. Ngunit matapos ang pagsisiyasat, napag-alamang ang proyekto pala ay libreng tulong sa kanila.

Noon pa mang mga nakaraang taon, sinampahan na ng kasong graft sa Ombudsman si Umali kaugnay sa maanomalyang pagbili ng tig-3,960 bote ng liquid fertilizer ang mga bayan ng General Natividad at Gabaldon.

Pinondohan ito ng P12 milyon galing sa priority development assistance fund (PDAF) ni Umali noon siya ay nasa kongreso pa. Ang kanyang kabiyak ang humalili kay Umali.

Lumalabas na P1,500 ang presyo ng bawat bote pero ikinagulat ni Abesami nang malaman mismo sa manufacturer ang totoong presyo ng bawat bote ng pataba na anya’y P150 lamang.

Nabatid na idinaan ang transaksyon noong 2005 sa Masaganang Ani Para sa Magsasaka Foundation Inc., isa sa NGOs na sangkot sa pork scam.

Pirmado ang kasunduan ni Marina Sula na presidente ng nasabing NGO. Si Sula ay whistleblower ngayon sa PDAF scam na inutusan umano ni Napoles na bumuo ng iba pang pekeng NGOs at matatandaang tinukoy din sa kanyang affidavit na naka-transaksyon niya si Umali.

Wala pang inilalabas na pahayag tungkol sa isyu ang kampo ng gobernador na ngayo’y nasa ibang bansa.

Una nang iniulat ng isang pahayagan na kasama si Umali sa mga naka-transaksyon ni Napoles simula 2001 hanggang 2007 batay sa listahan ni PDAF scam whistleblower Benhur Luy.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *