ni Pete Ampoloquio, Jr.
HAHAHAHAHAHA! Magaling kung sa magaling umarte ang comebacking actress na ‘to. ‘Yun nga lang, mala- king setback ng kanyang personalidad ang over sa lusog niyang pangangatawan na lalong nagdaragdag ng edad sa kanyang pagkatao.
‘Yun bang tipong di ka na nga kabataan tapos matronang-matrona pa ang hitsura mo, pa’no lang?
Honestly, going on a strict diet, while exercising assiduously on the side, is a must for this mature actress if she wants to become successful in her comeback at the network she has chosen to become a part of.
Cattiness aside, masakit sa tengang inuulit-ulit sa script na may edad ka na at di hamak na mas matanda sa ‘yong asawa to the point na hindi ka na tuloy capable manganak dahil nasa menopause stage ka na ever. Hahahahahahahahahahaha!
Buti nga at game naman ang aktres at hindi na-offend sa talas ng script na lagi na’y pinupuntirya ang isang bagay na obvious na kaya hindi nararapat pinakadiriinan pa ever. Hahahahahahahaha!
Kabaliwed!
Anyway, isa pang trait na dapat baguhin ng mahusay na aktres ay ang kanyang pagiging balat-sibuyas. Para huwag kang nasusulat na masyoba, mudra, you need to be very careful with your diet, along with the kind of food that you get to eat.
Huwag ding maiimbudo kung nasusulat ang mga kaokrayan mong eksena dahil marami ang nakakikitang nagsasalita ka raw kadalasan nang walang kausap sa iyong TV guesting.
Bakit ka kasi maiirita kung nasulat kang parang ‘the other’ ng mga entertainment writers gayong ginagawa mo naman talaga ‘yun?
Hahahahahahahahahahaha!
Also, tigilan mo na ‘yang pagiging isnabera mo dahil this is no longer the 80s or the 90s when you were considered a veritable stalwart in the business.
Huwag ka ring magkukunwaring walang nakikita dahil di naman ako kaliitan para di mo mapuna.
Besides, mas matino naman ang buhay ko compared sa ‘yo, ‘noh?
‘Yun lang!
GOOD KARMA DAHIL MABAIT AT WALANG ERE!
Predictably so, pinipilahan in some 157 cinemas all over the country ang Maybe This Time na co-production venture ng Viva films at Star Cinema.
Pa’no, good karma kasi ang lead actor rito na si Coco Martin dahil walang ere at napakabait mereseng big star na ay napaka-down-to-earth pa rin at walang angas ni katiting.
Suffice to say, napakaswerte ni Mother Biboy Arboleda sa pagkakaroon ng alagang tulad niya na hindi binago ng success ang napakagandang pag-uugali.
No wonder, he looks angelic and a lot younger than his biological age.
Skin deep kasi ang ganda ng kanyang pag-uugali kaya kahit ‘yun ay captured na captured ng sensitive lense ng movie cameras.
Suffice to say, perfect match nga itong sina Sarah Geronimo at Coco Martin.
Pareho naman kasing nagmula sa wala kaya kitang-kita sa kanilang pagmumukha ang klase ng humility na gustung-gusto ng mga fans.
Anyhow, from the looks of it, mukhang magseset ng panibagong record sa box-office ang Maybe This Time, na dapat lang naman dahil bukod sa napakahusay ng direktor na si Direk Jerry Sineneng, binakapan pa siya ng mga bating na direktor ng ABS CBN na most helpful of him and his project as well.