Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kaanak ni Dionix utas sa adik

UTAS ang kaanak ng konsehal ng Maynila, habang isa pa ang sugatan nang pagbabarilin ng sinasabing adik, kamakalawa ng hapon sa Tondo, Maynila.

Patay agad ang biktimang si Jaypee Polonan y Dionisio, bouncer, 28, pamangkin ni  Councilor Ernesto Dionisio, ng District 1, ng Building 24, Unit 36, Aroma Compound, Temporary Housing,Tondo.

Naka-confine sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang isa pang biktimang tinamaan ng ligaw na bala, si  Leonardo Daculinao, estudyante, ng Building 9, Katuparan St., Vitas, Tondo.

Pinaghahanap ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD), ang suspek na si Christopher Morales, ng Building 34, Temporary Housing,Tondo.

Nabatid kay Insp. Steve Casimiro, hepe ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima habang papasok sa kanyang trabaho dakong 3:05p.m.

Sa ulat, biglang sumulpot sa kinatatayuan ng biktima ang suspek sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril si Polonan. (leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …