Sunday , December 22 2024

Kaalyado kasi kaya … QCPD nakatsamba uli?

NAKATSAMBA lang.

Ang madalas na mapagpakumbabang sagot ng Quezon City Police District (QCPD) sa tuwing binabati sila sa malaking accomplishment nila kapag nagpapatawag ng press conference.

Oo, mula kay Chief Supt. Richard Albano, QCPD Director, hanggang sa pinakamababang ranggo – sila ay masyadong mapagpakumbaba sa bawat accomplishment ng pulisya.

Kung baga, wala daw dapat na ipagmalaki at sa halip ay trabaho naman daw nila – ang sugpuin ang kriminalidad sa lungsod partikular na ang para sa seguridad ng mamamayan ng lungsod.

Nito lamang Linggo ng gabi, nakakumpiska ang QCPD – District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa pamumuno ni Sr. Insp. Roberto Razon, ng P25 milyong halaga ng shabu sa dalawang nadakip nilang bigtime drug dealer na kapwa Chinese national.

Kinabukasan, sa prescon ay narinig ko na naman ang salitang “tsamba” lang sa bawat opis-yal ng QCPD. Talagang ayaw nilang iyabang ang kanilang magandang trabaho pero nangako silang – ang QCPD o si Albano na gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya masugpo lang ang mga sindikatong kumikilos sa lungsod partikular na ang mga natutulak ng droga.

At heto nga, ilang oras pa lamang ang nakalilipas nang magpatawag ng prescon nitong Lunes si Albano. Kung baga wala pang 24-oras ay nakatsamba na naman daw ang QCPD.

Mga galamay ng drug syndicate ang nakaenkuwentro ng tropa ni Razon nitong Martes ng madaling-araw.

Hindi lang nakakumpiska ng drogang mahigit sa halagang P.1 milyon ang nakompiska sa drug bust operasyon kundi, nalagasan ng dalawang katao ang panig ng sindikato.

Dalawang drug pusher ang napatay makaraang makipagbarilan sa mga grupo ni Razon. Nauwi sa barilan ang sana’y drug bust ope-ration makaraang makahalata ang dalawang tulak na mga pulis ang nagpanggap na buyer.

Nang mahalatang mga pulis, agad na bumunot ng baril ang dalawang suspek at pinaputukan ang ilang papalapit na operatiba kaya napilitang gumanti ang grupo ni Razon.

Nang mapawi ang usok, bulagta ang dalawang tulak at nakuha mula sa kanilang pag-iingat ang gramo-gramong shabu; isang kalibre 45 at isang kalibre .38. Nakuha rin sa dalawa ang gamit nilang motorsiklong walang plaka na hinihinalang carnap.

Hayun, anang QCPD, nakatsamba na naman daw sila.

Well, tsamba man ‘yan o hindi, ang importante ay nabawasan na naman ng masasamang loob ang Kyusi.

Pero teka, nasaan na ang butihing alkalde ng lungsod na nanumbat kamakailan sa QCPD nang minsang malusutan ng dalawang kriminal. Panay ang batikos niya sa QCPD noon pero kapag may nagawang magandang trabaho ang pulisya ay ni ho, ni ha ay wala kang marinig sa naghugas kamay noon na alkalde.

Anyway, kudos uli sa inyo Gen. Albano at DAID chief, Sr. Insp. Razon.

***

Ops heto na naman si Mr Clean, PNoy, na nanalo noong eleksyon dahil sa itinanim ng kanyang Tatay at Nanay. Akalain niyo, kulang na lamang ay halikan niya sa puwit ang kanyang kaalyadong si Butch Abad, BDM Secretary, sa pagtataggol dito. Kesyo, wala raw katotohanan ang pinagsasabi ni Janet Napoles. Hindi daw puwedeng gawin ni Abad ang pagnakawan ang bayan.

Bakit PNoy, 24 –oras ka bang nakabantay kay Abad para ang bawat kilos niya ay nasusubaybayan mo? Hindi ko naman sinasabing nagnakaw nga si Abad pero, ang dapat hayaan ni PNoy si Abad na maisalang sa imbestigasyon at hindi iyong bilang Pangulo ng bansa e, tumatayo siyang abogado ni Abad.

Heto lang naman pa ang masasabi natin, kung sakali – aaminin ba ni Abad na nagnakaw siya. Naturalmente, ito ay kanyang pabubulaanan. Kahit sino, pabubulaanan ang lahat.

Iginagalang naman natin ang panig ni Abad – ang pabulaanan ang akusasyon sa kanya pero, hindi ba mas maganda kung sumailalim din si Abad at ilang kaalyado ni PNoy sa imbestigas-yon para doon patunayan ang kanilang pagka-inosente?

‘Ika nga ba’t ang tatlong sina Senators Juan Ponce Enrile, at Jinggoy Estrada lang ang mas-yadong pinag-iinitan ng Palasyo, dahil ba sa hindi sila kapartido?

Nasaan ang tuwid na daan?

***

Para sa inyong reklamo, komento, suhesti-yon, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About Almar Danguilan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *