NAGMATIGAS si Laguna Gov. ER Ejercito na hindi niya susundin ang kautusan ng Commission on Elections (Comelec) na nagpapababa sa kanya sa pwesto.
Ito ang kauna-unahang personal na pagsasalita ni Ejercito tungkol sa isyu, makaraan sabihin ng Comelec na dapat nang ipatupad ang kanilang ruling. Matatandaan, napatalsik ang actor-politician dahil sa paggastos nang sobra sa kampanya na labag sa Fair Elections Act.