Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cristopher Keim, umaarangkada ang career!

ni Rodel Fernando

ISANG taon na ring nakikipagsapalaran sa showbiz si Cristopher Keim. Okey naman ang itinatakbo ng karera niya dahil sa loob ng maigsing panahon ay may pinupuntahan ang kanyang nasimulan.

Kasama siya sa mga programa ng GMA 7 at madalas din ang guestings niya sa ABS-CBN.

Sa  ngayon ay may bago siyang project.  Kasali siya sa isang teleserye ng Kapuso Network. Magte-taping din siya para sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya.

“I’m very grateful po at nasa circle ako ng mga legitimate talent manager gaya po ng pagsuporta sa akin ni Tito Leo Dominguez at mga handler niya,” sabi ni Cristopher.

“Masaya at komportable po ako sa pagtatrabaho lalo na kapag nakakasama ko po ang mga veteran star like si Snooky Serna po. Hindi po ako naiilang at nailalabas ko po ang aking acting. Para po kasing barkada ko po siya. Siguro, dahil pareho po kami ng manager, si Sir Mio Manansala.

“Nakatutuwa rin po dahil unti-unti ay natutupad ko na po ang mga pangarap ko. Sana po magtuloy-tuloy na.

Si Cristopher ay nagsimula bilang model sa edad na 14. Sanay siyang rumampa sa entablado dahil dito siya nahasa nang husto para maging puhunan niya sa pakikiharap sa tao at paghahanda sa bagong mundo na kanyang gagalawan. Nagtapos ng kursong Nursing sa Great Savior College sa Iloilo City si Christopher at natupad ang pangarap niya na pumasok ng showbiz na ngayon ay ini-enjoy na niya.

Kung bibigyan siya ng pagkakataon na bigyan ng lead role sa pelikula o telebisyon, gusto niyang maging leading lady sina Anne Curtis, Solenn Heusaff, at Rhian Ramos. Pangarap niyang magampanan ang mga ginagawa sa pelikula ng kanyang mga hinahangaang sina Piolo Pascual, JC de Vera, at Paolo Avelino. Isa sa dream roles niya ay bad boy.

Nakatapos na rin pala siya ng isang pelikula at ito ay ang Homeless na pinagbibidahan nina EJ Falcon, Snooky Serna, Dimples Romana, at Martin del Rosario.

Sa ngayon ay pinaghahandaan niya ang mga proyektong gagawin kaya naman puspusan ang acting workshop niya, ang pag-aalaga sa kanyang katawan sa pamamagitan ng Slimmers World at ang Shimmian Manila Surgicenter para sa pag-aalaga sa kanyang mukha.

Abangan din si Cristopher sa Bench Universe this year.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …