Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ang Tao of Badass (Pinaka-notorious na Dating Guide)(Last part)

BINUO ng ‘dating guru’ na si Josh Pellicer ang kanyang ‘dating guide’ na Tao of Badass para magkaroon ng epektibong giya ang mga kalalakihan para makabingwit ng babaeng kanilang napupusuan. Ayon kay Pellicer, kung nabibigo man ang isang lalaki ay dahil na rin sa kanyang sarili—at ito ay dahil din sa kanyang maling pananaw sa kababaihan. Dapat anyang baguhin ang persepsyon ng mga lalaki ukol sa mga babae sa pama-magitan ng pagbubulgar ng mga sikreto na may kaugnayan sa female psyche. Sa paggamit ng kaalamang ito, hindi na magi-ging mahirap at nakakapangamba ang paglapit at pakikipagkilala sa isang dilag.

Ang isa sa pinakamahalagang aspeto ng ‘dating guide’ na ito ay ang set of tools na ipinagkakaloob ni Pellicer para matulungan ang sinumang lalaki na mabago ang kanyang paniniwala at pananaw sa mga babae, at mapalakas na rin ang kanyang kumpiyansa sa sarili.

“Ang tunay na mahalaga ay kung paano n’yo hina-handle ang inyong sarili kapag nasa piling o may kasamang babae, at sa kasawiang-palad, ang pekeng kumpiyansa ay sadyang hindi uubra,” kanyang pinunto.

“Tanging ang genuine confidence na nag-uugat sa kaalaman at pag-unawa ang siyang magpapalitaw ng inyong tunay na pagkalalaki,” dagdag pa ng dating guru.

Masuwerte na nga tayong nagawa itong isalin ni Pellicer bilang isang siyensya. Ang ilan sa mga paksa na kabilang sa kanyang guide ay ang sumusu-nod:

1) Paano madi-develop ang tamang attitude para maging ma-tagumpay?

2) Tatlong pangkaraniwang pagkakamali na dahilan para mabigo ang isang lalaki

3) Paano magsisimula ng interesanteng pakikipag-usap sa sinumang babae (kasama na rito ang tunay na kakaibang mga pickup line).

4) Paano madi-detect at mababasa ang mga ‘nonverbal cue’na pinapahiwatig ng isang babae?

5) Paano gagamitin ang eye contact at body language para akitin ang isang dilag? (Wakas)

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …