UMABOT sa walo katao ang namatay sa Negros Occidental bunsod ng human immunodeficiency virus Acquired Immune Deficiency Syndrome (HIV-AIDS) mula Enero hanggang Abril ngayong taon.
Sinabi ni Dr. Enrique Grajales, hepe ng HIV-AIDS Core Team ng Corazon Locsin Montelibano Memorial Regional Hospital (CLMMRH), tumaas din ang bilang ng mga bagong pasyente.
Ayon kay Grajales, sa walong namatay, pito ang lalaki at isa ang babae na 20 taon nang tinitiis ang nasabing sakit.
Aniya pa, sa walo ay anim ang bagong pasyente na nagpasuri lamang nitong taon.
Sa kabilang dako, 20 pasyente sa CLMMRH ang nabatid na HIV-positive mula Enero hanggang Abril ngayon taon.