NAMATAY ang isang 5-anyos batang lalaki sa Pototan, Iloilo bunsod ng intestinal parasitism o pagdami ng bulate sa tiyan na kumalat sa iba pang bahagi ng kanyang katawan.
Ayon sa ulat, nitong Mayo 4 dinala ang biktimang si Jose Louvie Pareja, Jr., sa Western Visayas Medical Center mula sa Iloilo Provincial Hospital.
Idinaraing ng bata ang labis na pananakit ng kanyang tiyan. Sa pagsusuri ng mga doktor, lumitaw na may intestinal parasitism ang bata.
Sinabi ng mga doktor, labis na dumami ang maliliit na bulate sa tiyan ng bata at kumalat sa iba pang bahagi ng kanyang katawan kaya nagdulot ng mga komplikasyon.
Nitong Mayo 22 ay lumala ang kondisyonng bata at tulu-yan nang binawian ng buhay.
“Nag-request na kami na ipa-ultrasound na ang bata dahil hindi naman gumagaling. Doon na nakita ang maraming bulate,” ayon sa tiyahin ng bata. Sinabi ng municipal health office, nagkaroon ng komplikas-yon ang pagdami ng bulate sa katawan ng bata. Naharangan na aniya ng mga bulate o parasites ang daanan ng hangin sa katawan ng biktima. Pati ang da-loy ng dugo ng pasyente ay naapektohan din ng mga parasite.