LUMALAKI ang tsansang maipatupad ang 3-day school week sa ilang lugar sa Metro Manila.
Ito ay makaraan magpahayag ng suporta ang Metro Manila Development Authority (MMDA) sa pinag-aaralang 3-day school week.
Ayon kay MMDA Chair Francis Tolentino, malaki ang maitutulong para mabawasan ang trapik sa Kamaynilaan.
Sinabi ni Tolentino, ito ay mas maganda pa sa kanyang ipinanukala noong 4-day school week basta’t hindi makokompromiso ang kalidad ng edukasyon ng mga estudyante.
Nakatakdang makipag-ugnayan ang MMDA sa DepEd kaugnay sa panukalang ito.
Pinag-aaralan ng DepEd ang pagpapatupad ng panukala para mahati ang dami ng mga mag-aaral.
Una nang inilatag ni Tolentino nitong pagpasok ng 2014 ang panukalang apat na araw na pasok sa eskwelahan sa harap ng maraming magkakasabay na road projects ng DPWH ngunit hindi ito inaprubahan ng DepEd. (BETH JULIAN)