ni Pilar Mateo
KUMAKAPIT ang mga manonood sa isang palabas kapag nakaka-giliwan nila ang ikot ng istorya ng mga karakter na gumaganap dito.
Kaya nga hindi kataka-taka sa panghapong programa sa ABS-CBN na bukod sa triyanggulong Meg Imperial-JC de Vera-Ellen Adarna, may dalawa pang loveteams na nagpapakilig sa mga manonood.
Una, ang tinatawag na “TiNola” (mula sa Tilda at Nolan) nina Beauty Gonzales at Franco Daza. Bumenta sa viewers ang mala-aso’t pusa nilang relasyon sa serye sa mga pilyo nilang banatan tungkol sa “kimchi” ni Tilda at ang pagigging ‘di pa tuli ni Nolan.
Kahit pareho ng taken ang dalawa with their non-showbiz partners, suportado naman sila ng mga ito sa pagpapa-seksi nila sa mga eksena.
Ang isa pang loveteam na sumusunod sa kanila sa following sa nasabing serye eh ang kina Devon Seron at Kevin Fowler. Gaya ni Beauty, sa Pinoy Big Brother din namulatawan ito at nang manalo as 4th placer sa Teen Clash 2010 sa PBB sumalang na rin sa mga soaps ng Dos.
Ang may dugong Amerikano namang si Kevin na housemate rin sa Pinoy Big Brother Unlimited at tinaguriang Dreamboy ng California ang palabang partner ni Devon sa istorya.
May malaking bahagi sa puso ni Devon ang pangalang James Reid. Pero wala naman daw panget na mga nangyari sa kanila noon in PBB. Hindi niya raw alam kung nanligaw ba ito sa kanya. Basta naging mag-m.u. lang sila. Kaya hindi naman daw tahasang masasabing naging sila.
Ang matinding crush pala niya ngayon eh, si Daniel Matsunaga. At kung may mga iniidolo siya ‘yun eh, sina Sarah Geronimo, Heart Evangelista, at KC Concepcion.
Si Kevin naman pala ay so in love na sa isang Pamu Pamurada!
Ang isang maganda kay Kevin na isinilang sa Japan pero nanirahan sa US at Italy, matataS na ang dila nito sa pananagalog.
Ang apat ang bagong desirables sa palabas. At lalaban sa paseksihan sa mga bida!
OGIE, HIGH SCHOOL GRADUATE NA NANGARAP MAG-ARTISTA!
NATUWA raw siya dahil kung naka-mahigit 40 na siyang nagawang pelikula na karamihan eh, per day lang siya at may mga 3-4 days shoot lang siya, this time sa Maybe This Time, hindi lang siya nag-shine kundi kauna-unahan niyang full contract for the said movie ang nangyari kay Ogie Diaz!
Kaya, hindi niya ito itinago lalo na sa mga kasamahan sa panulat. At nagpa-merienda pa sa first batch.
Never din naman kasing nawala ang pagiging humble kay Ogie-mapa-reporter o mapa-artista man siya.
Ang nakatutuwa pa—ang mga bida sa pelikula na sina Coco Martin at Sarah Geronimo eh, kabilang sa mga ‘napitik’ niya bilang isang reporter.
“Nagkasama kami ng one year ni Coco sa ‘Walang Hanggan’. Doon ko nalaman sa kanya na there was a time pala na gusto niya raw akong sapakin. Kasi raw hinusgahan ko siya agad kay Katherine Luna eh, hindi ko naman alam ang kuwento. Noong magkasama na kami, nakilala niya ako at mabait naman daw pala ako.
“Kay Sarah naman, ako na ang nagpunta sa dressing room niya noong first time na magkaka-eksena kami. Sabi ko ‘Anak, magkakatrabaho tayo. ‘Wag ka sa ‘kin mahiya. ‘Wag ka ma-conscious. ‘Pag artista ako, ‘di ako reporter. Kaya pati kami ni Mommy Divine, naging okay at binentahan na ako ng mga organic gulay na dinadala niya sa set.”
Si Ogie ang nasa pagitan nina Sarah at Coco sa pelikula bilang sidekick ng huli as Mae.
Isa pang kuwento ni Ogie, talagang panonoorin daw bukod sa box-office queen na si Sarah si Coco sa kakaibang role niya dahil nagawa nila ni direk Jerry Sineneng na “baliin” sa nakasanayan na ng mga tao sa nakita nila sa pagda-drama nito sa TV ang aktor.
“Pumayag kasi si Coco na gamitin sa karakter niya ang mga kahinaan o flaws niya. Kasi, in contrast naman sa girlfriend niyang sosyalera sa movie na si Ruffa (Gutierrez). Ang cute! Sa pananamit niya. Sa lahat!”
Artistang-artista ang kausap namin ng hapong ‘yon. Na sabi nga niya, isang high school graduate na nangarap maging artista. Naging ekstra naman. Pero nang tuntungan ang pagsusulat, mas lalong nakilala at tinanggap nang magseryoso na bilang artista!
“Importante marami kang alam na trabaho. Para kung mawala, hindi ka iiyak-iyak. Kung at least may anim ka nagagawa, kahit tatlo roon mawala, may tatlo ka pa! Kaya ako natutuwa ngayon, with this contract, bayad na ang tuition fees for the whole year ng apat kong daughters!”