Roldan Castro
Ano ang masasabi niya na sa pagiging Box Office King and Queen ng tandem nila ni Sarah Geronimo, ikinukompara rin ang tambalang Sarah at Coco Martin kung mapapantayan ba ang inabot nila? Nandoon kasi ang pressure.“Gusto ko na nga mapanood, eh! Siguro, kaysa ma-pressure sila sa mga tao, mas magandang panggalingan na lang siguro sa..something very interesting kung makita natin ‘yung kung paano ‘yung kalalabasan, ‘di ba? Ako kasi talagang naniniwala ako na malaking part ng success ng team-up talaga, ‘yung material ng pelikula. It’s being material driven. So, kung talagang maganda ‘yung material nila, hindi sila mahihirapan..kasi ‘yung chemistry parang..bukod sa…rati kasi lagi kong sinasabi parang it something you cannot create, ‘no? Out of two people, he! Dapat, ano siya, eh, ganoon siya ka-organic ‘yung chemistry niyo. Naniniwala kasi ako roon sa energy na parang ‘yung timing, ‘yung energy niyong dalawa, ‘yung willingness niyo to explore…kung ano ang puwedeng mapuntahan ng team up niyo. Ang daming factors na, eh!,” sey niya.
Natutuwa ba siya ngayon ‘pag nakatatanggap siya ng balita tungkol sa lovelife nila Sarah?
“’Yung tungkol sa kanila ni Rayver (Cruz),” sey niya sabay tawanan.
“Actually, the last I saw her sa party ni Matteo (Guidicelli). Medyo may proud moment nga ako roon, eh para sa kanya. Siyempre, it’s another step, eh para sa kanya. Nandoon ‘yung family ng lalaki, nandoon ‘yung nanay niya. Big step ‘yun para din sa mommy niya.”
Nakikita ba niyang happy si Sarah?
“Oo at saka ano naman si Sarah, eh. Ayaw kong sabihin na mababaw ang kaligayahan niya pero alam niya kung ano ‘yung magpapaligaya sa kanya. ‘Yun ‘yung mga bagay na hindi naman talaga mahirap maabot,” bulalas pa niya.