Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Sumabit’ sa lespu burger crew tinarakan ng tatay ng anak

TODAS  ang 20-anyos crew ng Burger Machine nang saksakin ng dating ka-live in, nang maaktohang pinapaypayan ng karelasyon niyang pulis sa Mariones, Maynila, iniulat kahapon.

Kinilala ang biktimang si Jerica Sioco, ng B-5 Bonifacio Street, Magsaysay Village, Tondo.

Sa ulat ng pulisya, namatay si Sioco habang  nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Medical Center, sanhi ng   pitongsaksak sa katawan.

Sa ulat, kinilala ang suspek na si Richard Ryan, 28, ka-live in ng biktima, laborer, ng 731 D Pampanga St., Gagalangin ,Tondo, agad naaresto ng mga tauhan ng Moriones PS 2, nakapiit sa Manila Police District-Homicide Section.

Ayon kay PO3 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang pananaksak sa loob ng Burger Machine stand, harap ng MPD Moriones PS 2, nasa J. Nolasco kanto ng Morga streets, Tondo, dakong 5:45 a.m.

Nabatid, naabutan ng suspek ang biktima na pinapaypayan  ng karelasyon niyang pulis sa loob ng Burger Machine stand at bago siya nakalapit ay mabilis na nakaalis ang pulis.

Kinausap ng suspek ang biktima na bumalik na sa kanyang piling para maalagaan ang kanilang anak, pero nagmatigas si Sioco, hanggang nagtalo ang dalawa.

Habang nagkakasagutan, nagdilim ang pag-iisip ni Ryan at kanyang pinasok sa loob ng burger machine ang biktima saka pinagsasaksak hanggang mapatay.

(leonard basilio)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …