Friday , November 22 2024

Sa Daigdig ng mga Engkanto (Part 5)

PINALALAYAS NA NI INGKONG EMONG ANG MGA ENGKANTO SA BAHAY NINA JOAN

Madilim ang komedor na ang tanging pinagmumulan ng liwanag ay ang pitong puting kandila na sinindihan ni Ingkong Emong.

“Tulad ng nasabi ko na… Ang anak mo ay gustong maipagsama sa daigdig ng mga engkanto… Kung anuman ang mararamdaman ninyo ay ‘wag kayong matakot at ‘wag din kayong kikibo,” pasintabi ng albularyo sa magkapatid na Joan at Mags. “Maya-maya lang ay magdadatingan na rito ang mga engkanto.”

Isang puting panyo na may mga nakasulat na wikang Latin ang itatali ng albularyo sa leeg nito.

“Pangontra ang panyong ito sa lahat ng uri ng kampon ng kadiliman. At mabisa itong pantaboy o pamuksa sa kanila…”

Pabulong-bulong na nanalangin ang albularyo sa salitang Latin. Nagyuko naman ng ulo si Joan at ang kanyang Ate Mags sa pag-usal ng kani-kanyang pansariling panalangin.

Nang magmulat ng mga mata si Joan ay nailapag na ni Ingkong Emong sa ilalim ng mesa ang pitong platito na kinalalagyan ng karne ng manok at alak na nakalagay sa pitong mumun-ting kopita.

Namayani ang ilang saglit na katahimikan.

Pamaya-maya ay dumakot ang matandang albularyo ng asin sa mangkok. Isinaboy iyon sa apat na sulok ng komedor.

“Magsilayas kayo rito!” anito sa dumadagundong na tinig.

Kasunod niyon ay tumaas ang pag-angat ng apoy ng kandilang may sindi. Na pagkaraan naman ay nagiging normal ang laki ng apoy sa mitsa.

“Layas!” ang malakas na isinigaw ni Ing-kong Emong sa pagwawasiwas ng hawak nitong panyo.

Sa ikapitong kandila na may sindi ay maraming beses na sinambit-sambit ng albularyo ang katagang “layas!” pero hindi umaangat ang apoy sa mitsa ng kandila.

“Layasss!”

Sa pagkakataong ‘yun, ang apoy ng ikapitong kandila ay tumaas nang pagkataas-taas at saka nagmistulang arko sa paglabas ng bintana.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

DOST Teams Up with Wadhwani Foundation to Accelerate Filipino Innovation

THE Department of Science and Technology (DOST) and the Wadhwani Operating Foundation have signed a …

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *