Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy tinurbo binugbog ng 4 Saudi police (Sa gitna ng disyerto)

052814_FRONT
RIYADH – Kritikal ang kondisyon sa ospital ng isang Filipino worker makaraang gahasain, bugbugin at iwanan sa disyerto.

Si “Mario,” hindi niya tunay na pangalan, ay nasa intensive care unit ng isang ospital sa Riyadh. Natagpuan siyang hubo’t hubad, bugbog-sarado at agaw-buhay umaga nitong Mayo 16.

“Ako po ang unang naka-identify. Sa Facebook kasi may nag-post kung sino ang nakaka-kilala,” ayon sa kaibigang si “Jojo.” “Ako ‘yung nagsabi na siya ‘yung kabayan ko na taga-Bukidnon”.

Si Mario ay nagtrabaho bilang service crew sa ice cream chain sa loob ng mall. Kababalik lamang niya mula sa Filipinas para sa bagong kontrata sa Saudi Arabia.

“Huli ko siyang nakita May 12. Doon po kami nagkita sa Batha niyan,” pahayag ng isa pang kaibigan na si “Maricel.”

Si Mario ay dumanas ng serious head injuries. Dumanas din siya ng multiple bone fractures at inoobserbahan sa posibleng internal hemorrhage.

Bagama’t nahihirapan pa rin magsalita at makakilos, nagawa niyang makapagsulat ng mga salita upang mailarawan ang ang pagkaka-kilanlan ng mga umatake sa kanya.

“Sinabi ko sa kanya na isa-isahin n’ya ‘yung letter para maintindihan namin. Ito po ang pinakauna niyang isinulat. ‘Saudi.’ Kahit ganyan po s’ya, nag cross-cross po ‘yan, pero isa-isa po n’yang letter isinulat ‘yan. Kaya naintindihan po namin ‘yan na ‘Saudi.’ Tapos ito po, naintindihan po talaga namin, ‘officer,’ ‘police.’ ‘Yan daw po ang gumawa sa kanya,” pahayag ni Maricel.

Ayon kay Maricel, isinulat din ni Mario na siya ay inaresto sa Batha.

“And then pagkakuha sa kanya dinala po siya sa Malaz. Dun po tinanong namin kung ilan ang gumawa sa kanya. Ang sabi n’ya apat po,” aniya pa.

Nagawa rin maide-talye ni Mario kung ano ang ginawa ng mga salarin sa kanya.

“Binugbog daw po siya at ni-rape daw po sya,” dagdag ni Maricel.

Binisita na ng mga opisyal ng Philippine Embassy si Mario at kinokontak na ang kanyang employer.

Hataw News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …