SINO ang may kasalanan sa pangyayaring may bulilyaso sa pagkakakuha ng Tak N Text sa original import nitong si Othyus Jeffers?
Nadiskubre kasi na may kontrata pa pala si Jeffers sa Estados Unidos. “Live” ang contract na ito kahit pa hindi na nakapasok sa playoff ng NBA ang kanyang koponan. So, ibig sabihin ay sumusuweldo pa pala siya sa kanyang team. Dapat ay nandoon pa siya sa Estados Unidos at hindi naglalaro kung saan-saan.
Pero sa halip ay nagtungo siya sa Pilipinas upang maglaro sa PBA!
Sa totoo lang, ang tagal na ni Jeffers sa bansa, e. Dumating siya nung nagduduwelo ang Tropang Texters at San Mig Coffee para sa kampeonato ng nakaraang Commissioner’s Cup.
In good faith ang Talk N Text sa pagpapapirma sa kanya. Hindi naman papipirmahin ng Talk N Text ng kontrata si Jeffers kung may sabit at bulilyaso, di ba
Inialok sa kanila si Jeffers ng kanyang ahente. So, katungkulan ng ahente na alamin kung malinis ang papeles nito bago inialok at pinapirma ng kontrata sa Tropang Texters.
Ganoon ang procedure, ‘di ba?
So, ibig sabihin hindi din alam ng ahente na may kontrata pa palang existing si Jeffers sa USA? Niloko ba ni Jeffers ang ahente niya sa Pilipinas? Nakakainis ang sitwasyon, e.
Kasi, maikli ang PLDT Home Telpad Govenrors Cup. Sunud-sunod ang games.
Kaya nga maagang pinararating ang mga import para makilatis agad ito. Aba’y kapag nagpalit ng import ang isang team, malaking sugal na iyon dahil hindi siguradong nasa kundisyon e.
Kawawa naman ang Talk N Text.
Namuhunan sila kay Jeffers. Nagbayad sila. Nadenggoy sa huli. Naghanap ng kapalit nang madalian.
Paano kung palpak si Rodney Carney?
Hahanap ba ulit ng kapalit?
Sayang ang pera! Sayang ang oras!
Sabrina Pascua