ni Peter Ledesma
Smooth at maganda ang vibes ng pelikula nina Coco Martin at Sarah Geronimo na “Maybe This Time.” Kaya nangangamoy blockbuster ang nasabing big romantic film nina COSA (Coco at Sarah). Isang pruweba na marami ang su-suporta sa latest film ng da-lawa ang karagdagang sinehan na pagtatanghalan nito from 137 ay mapapanood na sa 157 Ci-nemas nationwide. Ibig sabihin kulang ang lista-han ng mga orihinal na sinehan para ma-accomodate ang lahat ng mga manonood na kinabibilangan ng mga Popsters ni Sarah at Cocolovers ni Coco at iba pang fans club. ‘Yung kanilang premiere night nga na ginanap last Tuesday, sa SM Megamall Cinema 7 & 8 ay parehong puno ang sinehan ganyan karami ang fans ng COSA. Saka si Sarah ilang beses nang pinatunayan na kahit sino pa ang leading man niya sa movie ay talagang tumatabo sa takilya. Well sa ganda ng materyal at istorya ng film nila ni Coco na hatid ng Star Cinema at Viva Films ay siguradong magi-ging byword ito sa lahat. By the way, masaya ang buong team ng Star Cinema dahil nakakuha ng Graded B ang Maybe This Time sa Cinema Evaluation Board samantala rated PG naman sa MTRCB na ang ibig sabihin welcome ang lahat ng mga bata na panoorin ito basta may kasamang magulang o mas nakatatanda sa kanila. Ang wish pala ng supporters ng dalawa, sana magkaroon rin ng sequel ang Maybe This Time o maulit uli ang pagtatambal nina Coco at Sarah. Why not naman gyud!Check Also
Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient
ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …
MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser
ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …
Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB
PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …
DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic
RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …
John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak
PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com