Roldan Castro
NAPAGTAGUMPAYAN na ba na bagong John en Marsha sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga?Umabot na ng second season ang Home Sweetie Home at inilipat ito tuwing Sabado, 6:00 p.m. saABS-CBN2.
“Naku, hindi talaga namin intensiyon. Nahihiya nga kami ni Toni ‘pag nabi-bring out ‘yung brand na “John en Marsha” na naa-associate sa palabas namin. Iba ‘yun..you’re talking about legends in the business ‘no? Malayo pa kami. Eto nga we’re taping our 23rd episode. Ang ‘John en Marsha’ umabot ng ilang taon. Mahigit na 23 years yata. So, ano lang consistent lang kami in terms of ratings,” bulalas ni Toni nang makatsikahan namin siya sa taping ng HSH.
“’Yung pagiging family naman ng programa ay hindi kami nahirapan. Ang bilis naging pamilya ‘yung samahan. So far after ng 23 episodes ‘yun ang na-achieve namin,” deklara niya na kasama sa sitcom sina Sandy Andolong, Rico Puno, Jayson Gainza, Clarence Delgado, Miles Ocampo, Joross Gamboa, Kepchup Eusebio, Eda Nolan, Mitoy Yonting, Ryan Bangatbp..
PINAPAPAYAT DIN SI ANGELICA
Samantala, pinag-uusapan din ang pagbawas ng timbang ni Lloydie ngayon. In-encourage rin ba niya ang girlfriend niyang si Angelica Panganiban na magpapayat?
“Hindi kami nag-i-imposed ng ganoon sa aming relasyon o sa isa’t isa. ‘Yun sa akin kasi, personal ‘yung sa akin. When I got the offer. From ano, ‘yun parang it’s gonna be convenient to say no rather than entertain the challenge and accept it. ‘Yun ang parang naging struggle ko kaya ko tinanggap pero hindi ibig sabihin niyon dahil eto..nasa ganitong program ako, nagpapayat ako parang i-imposed ko ‘yun sa partner ko. ‘Di ba? Maski ako rin, minsan napaka-personal ng desisyon na ‘yun,so, ‘yung desisyon dapat ay manggaling sa iyo at dapat gawin mo para sa sarili mo at hindi para sa ibang tao. So, wala kaming naging ganoong usapan,” aniya pa.
Noong hindi pa ganoon kaganda ang katawan niya ay naghuhubad na siya sa movie at sa Home Sweetie Home, ipapasilip din ba niya ang bagong katawang?
“Hindi naman talaga ano sa akin kumbaga hindi sa wala akong pakialam pero secondary sa akin ang looks, eh! Siyempre, mas imporatante sa akin ‘yung maideliver ‘yung hinhingi ng character ko. ‘Yung maideliver ko kumbaga maibigay ko muna ‘yung ibinibigay ng eksena. ‘Yung nire-required ng script. Kung sa mga pagkakataon sa pelikula na maghuhubad ka, kailangang matanggal ‘yung shorts mo, okey lang sa akin as long as sa director ko, okey lang kahit wala kang six packs.”
Ilang packs na ba siya ngayon?
“Sapak,” pagbibiro niyang sagot.
Parang nahihiya si Lloydie na malaki ang expectation sa kanya ng mga tao sa pagpapaganda ng katawan samantalang ginawa lang naman daw niya para sa challenge. Basta, hindi nagbago ang pananaw niya at values sa craft niya . Kung kailangang magtanggal siya ng shorts, gagawin niya.
Natawa rin si JLC sa tingin ng tao sa kanya na kung dati ay yummy siya, ngayon ay yummier. Hindi raw niya iniisip ang bagay na ‘yun.
BOX OFFICE KING & QUEEN CORONATION, ‘DI TOTOONG INISNAB
Nilinaw din ni John Lloyd na hindi niya inisnab ang coronation ng Box Office King & Queen ngGuillermo Mendoza. Matagal na raw siyang may commitment sa araw na ‘yun sa Hong Kong at kailangang magpunta siya roon.
May pressure ba na i-maintin ang pagiging hari ng takilya na umabot na ng limang beses?
“Wala..Alam mo, wala namang ano, eh kumbaga bilog ang mundo, umiikot ang mundo. So, hindi mo puwedeng isipin o pagkamalan na every year ay makakapag-produce ka ng pelikula at ‘yun ang tatabo sa takilya. Kapag ganoon ang iniisip mo, eh, sakit ‘yun. Kasi, alam mong hindi pa nangyayari ‘yun o baka hindi mo alam na ‘yun ang mangyayari. Kahit sabihin mo na, o sige mag-sampu ka pa, kahit sabihin mo dire-diretso ng 10 taon, hindi puwedeng habambuhay na ikaw ang nandoon,” sagot niya.
TAMBALANG SARAH AT COCO, IKINOKOMPARA SA TAMBALAN NILA
Ano ang masasabi niya na sa pagiging Box Office King and Queen ng tandem nila ni Sarah Geronimo, ikinukompara rin ang tambalang Sarah at Coco Martin kung mapapantayan ba ang inabot nila? Nandoon kasi ang pressure.
“Gusto ko na nga mapanood, eh! Siguro, kaysa ma-pressure sila sa mga tao, mas magandang panggalingan na lang siguro sa..something very interesting kung makita natin ‘yung kung paano ‘yung kalalabasan, ‘di ba? Ako kasi talagang naniniwala ako na malaking part ng success ng team-up talaga, ‘yung material ng pelikula. It’s being material driven. So, kung talagang maganda ‘yung material nila, hindi sila mahihirapan..kasi ‘yung chemistry parang..bukod sa…rati kasi lagi kong sinasabi parang it something you cannot create, ‘no? Out of two people, he! Dapat, ano siya, eh, ganoon siya ka-organic ‘yung chemistry niyo. Naniniwala kasi ako roon sa energy na parang ‘yung timing, ‘yung energy niyong dalawa, ‘yung willingness niyo to explore…kung ano ang puwedeng mapuntahan ng team up niyo. Ang daming factors na, eh!,” sey niya.
Natutuwa ba siya ngayon ‘pag nakatatanggap siya ng balita tungkol sa lovelife nila Sarah?
“’Yung tungkol sa kanila ni Rayver (Cruz),” sey niya sabay tawanan.
“Actually, the last I saw her sa party ni Matteo (Guidicelli). Medyo may proud moment nga ako roon, eh para sa kanya. Siyempre, it’s another step, eh para sa kanya. Nandoon ‘yung family ng lalaki, nandoon ‘yung nanay niya. Big step ‘yun para din sa mommy niya.”
Nakikita ba niyang happy si Sarah?
“Oo at saka ano naman si Sarah, eh. Ayaw kong sabihin na mababaw ang kaligayahan niya pero alam niya kung ano ‘yung magpapaligaya sa kanya. ‘Yun ‘yung mga bagay na hindi naman talaga mahirap maabot,” bulalas pa niya.
‘DI PA NAIISIP MAGPAKASAL
Sila naman ni Angelica ay tahimik ngayon. Pero hindi namamatay ‘yung tanong kung kailan sila ikakasal?
“Namatay na ..inilibing na. Hindi mo nabalitaan?” pagbibiro niya.
Pero uso ngayon ang kasalan, proposal, wala ba ‘yung feeling na parang ang sarap na gawin.
“Wala pa, eh! Hindi pa napag-uusapan. It’s not in the horizon yet,” tugon niya.
Pero paano kung mangyari sa kanila ang nangyari sa MELASON, ‘yung mabutis si Angelica, pakakasalan din ba niya agad para maging Home Swettie home na?
“Parang mahirap naman yata kasi hindi ko pa naiisip ‘yun, eh! Siguro ‘yung mga ganoong pagkakataon sa lalaki, malalaman mo ang gagawin mo, parang ano kasi, wala raw lalaki na nakakapaghanda ‘pag sa ganoong sitwasyon. So, siguro kapag dumating ang ganoong sitwasyon, kahit na sinong lalaki o kahit na sinong partner ko sa moment na ‘yun, parang siguro roon ko malalaman kung paano ba talaga haharapin,” deklara pa niya.