Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapamilya sexy actress na si Meg Imperial, gustong makatrabaho ni Angel Locsin

ni Peter Ledesma

Mula nang ipasok siya ng manager na si Claire dela Fuente sa Kapamilya network ay nag-level up na talaga ang career ni Meg Imperial. Hayan, at patuloy na tinututokan ang sexy drama series ng actress na “Moon of Desire” na napapanood tuwing hapon sa Kapamilya Gold. Sino ba naman kasi ang mande-deadma sa beauty ni Meg sa nasabing teleserye lalo’t agaw-pansin ang da-ring scenes niya at kaabang-abang rin ang pagbabagong-anyo ng kanyang karakter.Todo-bigay rin ang Kapamilya star sa intimate scenes nila ni JC de Vera na leading man niya sa Moon of Desire. Hanep ang acting ng actress sa pinagbibidahang project kaya maghubad man siya ay respetado pa rin ang dating niya sa public fans. Isa pang dapat ika-proud ni Meg ay ang statement ng pangunahing bida sa Hottest drama series na “The Legal Wife,” na si Angel Locsin na sinabi ng actress, na type siyang makatrabaho sa susunod niyang project. Naging very vocal kasi si Meg sa kanyang paghanga kay Angel at number one fan siya ng The Legal Wife kaya sa sobrang touch ni Ms. Locsin ay gusto siya nitong makilala at makasama. Hindi lang ang magandang mukha ang panlaban ni Meg kundi mahusay rin siyang umarte kaya’t asahan natin na mapapanood pa natin siya sa maraming teleserye ng ABS-CBN. Masuwerte ang actress sa pagkakaroon ng mababait at very supportive na managers. Yes bukod kay Ms. Claire ay mina-manage rin ni Boss Vic del Rosario ang career ng flawless na young actress.

TRIXIE “ISABEL OLI” MARISTELA NG PASIG CITY NANGABOG SA Q & A ITINANGHAL NA SUPER SIREYNA “QUEEN OF THE SKY”

Walang buckle, poised at very articulate su-magot sa Q & A ang manok ng Pasay City at Isabel Oli ng lugar na si Trixie Maristela. Yes, lahat ng tanong sa kanya nina Dabarkads Keempee de Leon at Allan K at mga nagsilbing judges na sina Dabarkads Isabelle Daza, Master Joey de Leon, Mr. Frederick Peralta, Ms. Bianca Guidotti at Ms. Gwendoline Ruais sa weekly grand finals ng Super Sireyna, Queen of The Sky na ginanap last Saturday, perfect na nasagot ni Trixie kaya lahat, siya ang choice upang tanghaling winner para sa nasabing title. Maging ang lahat ng studio audience noong araw na ‘yun ay si Trixie ang bet. Handog pala niya ang kanyang award sa mga nakatunggaling sina Barbie “Jessie Mendiola” Monteverde, Chelsa Marie “Aloida Gosiengfiao” Artiaga, Stefania Gwendoline Ruais at ang nanalo sa “Dabarkads Choice Award” na si Aaron “Barbie Forteza” Dollete.

Bukod sa crown ay tumataginting na P200k ang naiuwing premyo ni Trixie na malaking bahagi nito ay kanya namang ise-share sa mapipiling tutulu-ngang foundation na malalaman pa sa darating na Sabado.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …