DAHIL ang feng shui energy ng hagdanan ay maligalig, pataas at pababa ang enerhiya, makabubuting mag-focus sa paglikha ng balanced, grounded energy sa pamamagitan ng pag-apply ng easy feng shui décor tips:
*Gamitin ang mga dingding sa pag-display ng art at mga larawan sa visually strong frames. Pumili ng mga kulay at materyal ayon sa feng shui element na kailangan sa specific bagua area.
*Magkabit ng ilaw na may strong presence na magpapakalma ng enerhiya. Ito ay maaaring isang malaking chandelier o ilang visually attractive wall sconces; ikaw ang bahalang magdesisyon kung anong disenyo ang nababagay sa istilo ng bahay.
*Ikonsidera ang pagdagdag ng magandang architectural features, katulad ng wainscoting o moldings, na magda-dagdag ng karakter at presensya sa inyong staircase area.
*I-maximize ang landing area space sa pamamagitan ng pagdagdag ng beautiful art o healthy, lush plants sa beautiful, stylish pots. Kung ang feng shui area ay maaaring makinabang sa water element, ikonsidera ang pagdagdag ng framed mirror o maliit na fountain.
Lady Choi