Wednesday , November 6 2024

Blatche aprubado sa Senado

MAAARI nang makasama sa lineup ng Gilas Pilipinas ang higanteng si Andray Blatche matapos lumusot sa Senado noong Lunes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukalang batas ni Senador Sonny Angara na magbibigay ng Philippine citizenship sa American NBA player.

Si Blatche na naglalaro bilang center para sa Brooklyn Nets ang makakasama ng Gilas na sasabak sa 2014 FIBA World Championship ngayong Agosto.

“Isa si Blatche sa malalakas na center sa NBA ngayon. Kaya niyang tanggihan ang darating na mga offer sa kanya para lang makasali sa Gilas Pilipinas,” ani Angara na nagsabi na agad na ipadadala ang papeles ng big man ng Brooklyn sa Palasyo para sa pirma ni Pangulong Noynoy Aquino.

Maliban sa nalalapit na FIBA World Championship, makakatulong din si Blatche – na may average na 12 points, 6 rebounds, at halos 2 assists sa 2013-2014 NBA season – sa Gilas Pilipinas sa sasalihan nito na iba pang international basketball tournaments tulad ng Asian Games na gaganapin naman sa South Korea sa Setyembre.

Bago ang napipintong Pinoy citizenship ni Blatche, nakapag-ambag nang malaki ang na-naturalized noong 2011 na Amerikano rin na si Marcus Douthit sa pamamayagpag ng Pilipinas sa larangan ng international basketball at kuwalipikasyon ng Gilas Pilipinas sa edisyon ngayong taon ng FIBA World Championship.

Nitong nakaraang taon ay dumiretso sa FIBA Asia finals ang Gilas Pilipinas matapos nilang pataubin sa semifinals ang powerhouse sa Asya at kanilang kontrapelo na South Korea.

“We took a leap of faith when we naturalized Marcus Douthit, and that leap of faith paid dividends. We are hoping this would be a similar case with Andray Blatche,” Angara said.

Noong panahon ni coach Ron Jacobs ang mga Amerikanong sina Arthur “Chip” Engelland, Jeff Moore at Dennis Still ang naging naturalized Filipino citizens para tulungan ang Philippine men’s basketball team na magkampeon sa Asian Basketball Confederation (ngayon ay FIBA Asia Championship).

ni ARABELA PRINCESS DAWA

About hataw tabloid

Check Also

Anton Ignacio, World Jetski Champion

Anton Ignacio, World Jetski Champion

NAMAYAGPAG ang 18 anyos na si Anton Ignacio nang angkinin ang titulo ng prestihiyosong SBT-International …

Milo Gatherings of Champions

PSC, POC, DepEd pinarangalan sa Gatherings of Champions

TAPAT sa kanyang pangako sa pagbuo ng isang bayan ng mga kampeon, ipinagdiwang ng MILO® …

Ricielle Maleeka Melencio Go Full Speedo

Melencio nanguna sa MOS awardees ng PAI-Speedo Swim Series 2

NANGIBABAW si Ricielle Maleeka Melencio sa dalawa pang event para dalhin ang kanyang kabuuang gintong …

Nicola Queen Diamante

Diamante, Melencio, Evangelista namuno sa ‘Go Full Speedo’ Swim Series 2

NATAMO ni Nicola Queen Diamante ang gintong medalya sa 50-meter butterfly sa girls’ 14 years …

TOPS Manilas Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

Manila’s Finest Golf Cup sa 8 Disyembre

SANIB PUWERSA ang Antigong Maynila, Inc. at New Manila’s Finest Retirees Association, Inc. (NMFRAI) para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *