ANG Tao of Badass ang pinaka-notorious na ‘dating guide’ na nasa merkado ngayon. Ito ang pinag-uusapan, laging ginagamit, at natitiyak namin pinaka-successful guide para sa pag-pick up ng babae.
Ngunit ang Tao of Badass ay hindi lamang ‘standard guide’ para makabingwit ng mga chikas. Ito’y isang bold at daring na instructional tool na nagbibi-gay sa kalalakihan ng mga tip at trick na kakailanganin nila para makaakit ng sinoman o alinmang babae sa pinakamadaling panahon, at nagpapalakas din ng kanilang self confidence.
Idinisenyo ang guide na ito para matulungan ang mga lalaki na maiwasan ang pagiging du-ngo. Para matigil ang kanilang pagkahiya at pagkakaroon ng takot sa mga babae at pangamba rin na sila’y tatanggihan para magkaroon ng kompiyansa sa sarili nilang personalidad at kakayahan.
Si Josh Pellicer ang may akda ng programa. Siya’y kilalang dating expert na natitiyak ang kanyang programa ay epektibo dahil sinubok niya ito mismo at napatunayang mahusay sa kanyang mga naisin.
Obvious nga lang na, tulad ng iba pang mga dating tips program, ang Tao of Badass ay hindi uubra sa lahat ng babae at hindi rin ito para sa lahat. Bukod dito, kakailanganin din ang sapat na pagsasanay (practice makes perfect) para makaga-mayan ang iba’t ibang tips at magamit ito nang matagumpay.
Napakaraming impormasyong nakasaad sa Tao of Badass, at kakailanga-ning basahin ang lahat saka piliin kung alin ang magiging epektibo para sa inyo. Walang garantiya na ito ay magiging ma-tagumpay sa bawat babae at bawat lalaki. Pero sa gitna ng tagumpay at atensyon na inaani ng programa, malinaw na ito ay umuubra at epektibo sa karamihan.
(Tatapusin bukas)
Kinalap ni Tracy Cabrera